17/02/2022
https://www.facebook.com/100067651842656/posts/277536387844754/
MODERNO AT BAGONG TREN PARA SA MGA PILIPINO! 🚆🇵🇭
Alam n’yo ba ang mga ganap sa ating Railways Sector?
All aboard at alamin…
Hindi refurbished, hindi donasyon, at hindi galing sa loan o utang - Sa wakas! Matapos ang 50 YEARS, nagkaroon na rin ng bago at modernong tren ang Philippine National Railways (PNR)!
Mula sa dating siyam (9) na tren lamang na lumang-luma, at napag-iwanan na ng panahon, ngayon ay nasa 18 NA TREN ng PNR ang operational, na siyang bahagi ng Re-Fleeting Management Strategy nito.
Samantala, noong Setyembre 2021 ay dumating sa bansa mula sa South Korea ang mga bagong train sets para sa MRT-7. 18 out of 108 rail cars na completely manufactured ang on-site na.
Ang MRT-7, na tumagal ng 20 taon mula nang maisumite ang unsolicited proposal bago magsimula ang aktwal na konstruksyon ng proyekto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ay nalalapit ng matapos. Asahan na ang mas mabilis na biyahe dahil nasa 35 minuto na lang aabutin sa pagitan ng Quezon City at San Jose Del Monte, Bulacan. Nasa 300,000 pasahero naman ang maisasakay nito sa unang taon at inaasahang aakyat pa sa 850,000 pagdating ng 12th year nito.
Dumating na rin sa bansa, mula sa Spain at Mexico, ang first batch ng train cars para sa LRT-1 Cavite Extension Project.
Matapos ang 19 years na delay, umaarangkada na ang proyekto, at nalalapit na rin ang pagtatapos nito. Soon, magiging 25 minuto na lamang, mula sa kasalukuyang isang (1) oras at 10 minuto, ang biyahe mula at patungong Baclaran at Niog, Bacoor. Maiaangat din nito ang daily ridership ng linya sa 800,000 pasahero, mula 458,000.
Nasa bansa na rin ang unang 8-car trainset para sa PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos) — na bahagi ng massive North-South Commuter Railway (NSCR) Project.
Ang pangalawang trainset naman para sa project ay inaasahang darating sa bansa sa 2nd quarter ngayong taon.
Oras na maging operational ang PNR Clark Phase 1, na kokonekta sa Malolos, Bulacan, at Tutuban, Manila, magiging 35 minuto na lamang ang biyahe, mula sa kasalukuyang isang (1) oras at 30 minuto. Inaasahan din na nasa 300,000 pasahero ang mase-serbisyuhan nito.
Ramdam na rin ang pagbabago sa MRT-3 dahil tumatakbo na sa linya ang mga newly-overhauled light rail vehicles (LRVs), na bahagi ng massive rehabilitation project ng linya.
Gawing kumportable, maginhawa, mabilis, at ligtas ang biyahe ng mga commuter — ito ‘ho ang layunin ng Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni Secretary Art Tugade, katuwang ang PNR, MRT-3, Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Asahang magpapatuloy at mananatiling puspusan ang pagsasakatuparan ng mga proyekto at modernisasyon sa railway sector ng bansa, upang makapaghatid ng PAGBABAGO at PROGRESO para sa mga PILIPINO!
Ito ‘ho ang !
🇵🇭