18/10/2020
Mas mabilis na proseso sa airport na pagdadaanan ng ating mga kababayan na babalik sa Pinas;
1. Mag register online (preferrably one week) bago lumipad papuntang Pinas
https://e-cif.redcross.org.ph/
2.May matatanggap kayo na bar code/QR code sa inyong email
3. I-presenta ang bar code at inyong passport sa verification officer
4. May matatanggap kayong 6 na bar code stickers
5. Idikit ang isang bar code sticker sa likod ng passport
6. Proceed to swabbing area/testing booth and ibigay ang natitirang mga bar code stickers
7. Kunin ang bagahe
-Kung kayo ay land-based OFW, magtungo sa OWWA booth upang hanapan kayo ng inyo mga hotel habang inaantay ang inyong resulta. Libre po ito sagot ng gobyerno.
-Kung kayo ay sea-based OFW, magtungo po sa MARINA booth at ang inyong mga manning agencies ang maghahanap at sasagot ng inyong mga hotel na tutuluyan.
-Kung kayo ay non-OFW, mag-online booking po kayo ng inyong hotel bago lumipad ng Pinas. Magtungo sa DOT booth para kayo ay ma-assist.
Antayin ang inyong resulta sa inyong email. Kung negatibo ang resulta, kayo ay makakauwi na. Sagot ng OWWA ang transportasyon ng ating mga OFWs (eroplano/bus).
*Ang ibang mga LGUs ng mga probinsya ay nagre-require na i-swab test ulit at mag- quarantine habang hinihintay ang resulta bago makauwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Protecting the Philippines Against COVID-19