10/01/2023
No to fixer, yes to legal processing!❤
12k no more!!!
Motorcycle AT (A - L1, L2, L3)
•Theoretical Driving Course (TDC) =(PROMO) 800
•Medical authorized by LTO (valid for 2 months) = 500.00
•Student permit fee = 250.00
•Practical Driving Course (PDC) (A) = 1,700
•Exam fee = 100.00
•Drive Test (motorcycle rent) = 250.00
•Driver's license = 585.00php
TOTAL = 4,185
Sa mga walang budget, don't worry 'di ka mabibigla sa gastos.
Here's the step by step process:
1. TDC = Irise Driving School - Sa may Novaliches glori sya located may promo sila na 800, super babait at accommodating ng staffs. 3 session, 5hrs every session. Kapag nag tdc na kayo sa zabarte branch yun gagawin kasi ayun yung pinaka main office nila.
2. Papakuhain kayo ng medical walking distance lang sa driving school, less hassle at mura pa. 1st day pa lang namin kumuha na kami para hindi ganon ka hassle. Valid for 2 months kaya mas magandang after ng TDC mo asikaso ka na ng license para magamit mo pa yung medical mo sa pagpasa ng requirements para sa Driver's License. 500php lang
3. TDC, birth certificate (if 18below ka) if your 18above provide ka lang ng valid id's mo para d ka na mahirapan at medical certificate ang kailangan for student permit (original copy yung pinasa namin pero may mga pic naman kami non dun sa phone namin), pag nacomply mo na deretso ka na LTO pasa ng requirements.
Total: 1550
Take note: 1 month ang hihintayin para magamit mo ang student permit para sa Driver's license, may time ka pa para pag ipunan yung gagastusin para sa PDC at DL. (Inabot kami ng ilang buwan kaya nagpamedical ulit kami kasi na expire yung una naming medical, kaya sa mga kukuha ng license much better na may enough budget ka para hindi double yung gastos)
PDC and Driver's license step by step process:
1. PDC= IRISE DRIVING SCHOOL-ZABARTE ROAD (Sa taas ng bdo katabi nya yung IIH na school) 1,700php only 8hrs (Isang araw lang namin ginawa to since marunong naman na kami mag motor. If ever na wala ka pang experience sa pag mo motor no worries tuturuan ka nila hanggang sa matuto ka na talaga. Dont worry mababait yung mga instructor kaya madami ka talagang matututunan. May mga nakasabayan ako na nag failed sa first driving test nila kasi wala pa silang experience sa pag mo motor kaya pinabalik sila the other day para turuan ulit sila.) Before pala ang pdc mag e exam muna kayo ng 30 items ata ot 20 basta madali lang sya kasi naituro naman na sya sa tdc nyo kaya d ka na mahihirapan. Magbasa basa ka lang tapos aralin mo yung mga road and traffic sign para hindi ka malito.
2. May Driving test na ngayon ang LTO kaya after mo sa pdc need mo naman mag practical driving sa A1 sa may pingkian road sya located. If galing ka dito sa commonwealth or bulacan or novaliches, sakay ka ng jeep/bus/fx pa fcm tapos pag baba mo don may sakayan don na kulay dilaw na tricycle sabihin mo A1 driving school lang alam na agad nila yon. 25pesos per head sya since mahal na yung gas and medyo malayo yung A1. Then may bayad yung practical driving test ng LTO 250pesos sya. Wala pang 1hr tapos na agad kami and lahat kami pumasa. Paalala lang once na nasa A1 na kayo ayan na yung pinaka final driving test na gagawin mo kaya bawal kang magkamali. Kapag bumagsak ka maghihintay ka ng 8days bago ka ulit bumalik para mag driivng test so another 250pesos na naman sya kaya much better na makinig ka ng mabuti sa instructor at huwag mo hayaan na magkamali ka. Before ka mag start ituturo nila sayo yung step by step na process katulad lang ng tinuro sa pdc. (May nakasabayan kami na guy nag failed sya kaya babalik sya after 8days kasi hindi nya sinunod yung instructions.) Kaya sa mga mag p pdc natural lang na kakabahan ka kapag nag drive ka pero dapat focus lang yung mindset mo iset aside mo yung kaba para hindi ka magkamali at makinig ka ng mabuti sa instructor.
3. Pag natapos mo na sessions sa PDC kahit kinabukasan punta ka na ng LTO. LTO National Capital Region - East kami nagpunta kasi wala na pala dyan sa LTO Zabarte. 1day process yung pagkuha ng Drivers License aabutin ka talaga ng isang araw kasi madami din kumukuha. Much better na mag pa appointment ka sa LTO East ave sa fb page nila nandon yung link para sa gustong magpa appointment less hassle to mga lods. Pwede din naman mag walk in kaso aabutin ka talaga ng ilang oras sa dami ng pumipila kaya much better na may appointment para mabilis lang. After namin mag practical driving sa A1 in that day dumiretso na agad kami sa Lto east ave para kumuha ng drivers license.
4. Punta ka ng counter, apply for new driver's license ipasa ang original copy of TDC, PDC, student permit and medical certificate may ibibigay silang form na fi fill up an mo tapos pipila kayo sa loob ng lto wait mo lang matawag yung name mo para mag exam.
•Exam 48/60 passing score = 100.00pesos
pag nakapasa ka na wait ka nalang sa release ng license mo within that day, 585.00php ang babayaran.
Total: 2,635.00
Madali ang exam, pinanood lang namin yung video ni Wonder J sa youtube legit sya lods lahat ng nandon lumabas sa exam sa lto kaya nakapasa kami. Sa exam may option na english or tagalog but I suggest na tagalog i take mo although malalalim yung salita but try to analyze it para mas madali mong maintindihan. Paalala lang kapag nag e exam ka na bawal malikot, bawal kang lumingon sa ibang direksyon kung ayaw mong bumagsak kasi once na hindi nila ma detect yung mukha mo mag e end agad yung exam at lalabas agad sa screen mo ay failed. May isang oras or ilang minuto ka lang para itake ang exam nila sa lto kaya much better na basahin at intindihin mo ng mabuti yung question. Ako kasi dalawang beses ko binabasa yung question and after ko i take lahat may ilang minuto pakong natira kaya binalikan ko ulit lahat ng questions incase man na may mali ako mababago ko kaagad.
EXAM:
1st take: 53/60
akala ko babagsak ako kasi last minute review, as in nag review lang ako after namin mag practical driving sa A1 biruin mo 1 or 2hrs lang meron akò that time para mag review nakakalito pa yung exam kaya focus malala talaga hahaha
Review, practice, focus at dasal lang wag mong i memorize intindihin mo lang yung question and answer makakapasa ka din gaya namin. pag para sa'yo ibibigay yan ni Lord😇
1,550+2,635 = 4,185
(ps. Hindi counted yung mga pinamasahe at pinang kain namin dito hahahha so much beter na mag prepare ka ng 5k sure na kasyang kasya na yan sa pagkuha ng license. Imagine with in 3days may lisensya ka na basta tulot tuloy lang yung pagkuha mo❤)
Ps. hindi po ako nag aassist ng lisensya, hindi din po ako nagfifixer.
shinare ko lang yung process kung pa'no 'ko nakuha license ko.
Pps. Yung drivers license po na nakuha namin is for motorcycle only. Meaning ang restriction at DL code namin is AT/MT L1 L2 L3 lamang. Magkaiba na po ang expenses kung mag papa add ka ng restrictions or 4wheels or ibang DL code ang kukunin mo. Sa mga nagtatanong kung paano kumuha pakibasa na lang po ng maigi yung nasa post.
Sa mga nagtatanong na taga ibang lugar, much better po na mag search kayo sa website ng LTO branches na malapit sa location nyo.
Sa mga nagtatanong kung saan may murang driving school, kindly search it on facebook or google marami pong driving school near your location ang nag o offer ng mga promo sa tdc and pdc nila.
HINDI PO AKO NAG A ASSIST NG LISENSYA AT MAS LALONG HINDI DIN PO AKO FIXER. SHINARE KO LANG YUNG PROCESS KUNG PANO KO NAKUHA YUNG LICENSE KO🥰