28/02/2019
✔️BASA MUNA TAYO✔️
Sure buyer LNG muna dahil mabilis maubos ang seats sale pero basahin muna ito👇👇👇👇👇👇👇👇👇
Bago makikipag bakbakan sa mamaya at sa darating pang mga araw, narito ang ilang paalala sa aming valued clients and backpackers alike.
1. Kadalasan ng published rates ng airlines ay BASE FARE ONLY, unless otherwise stated.
Ano nga ba ang ibig sabihin pag BASE FARE?
Sagot:
Base Fare is the amount of fare before taxes, fuel surcharge and terminal fees are added.
Illustration:
May seat sale or piso fare ang airline,
sa post nakita mo 1, 99, 299, 399 and so on.
BASE FARE:
Php 268 x 2 way (published rate ni airline sa post)
for example roundtrip CRK-CEB-CRK
VAT: Php 118
Terminal Fee: 300
Aviation Security Fee: 30
Fuel Surcharge: 450
Web Admin Fee: 560
Total Amount: Php 1994
Di maaaring di mo bayaran ang tax, at mga fees na yan kasi government mandated yan.
Kaya magbasa at unawain muna mabuti ang Terms and Conditions bago ka mag PM sa anuman ticketing office or kahit na sa mismong official website /page ng airlines para hindi ka mabiktima ng
2. Naka promo ba ang ganitong date?
Example Christmas Season,
HolyWeek,
Special Holidays,
Long Weekends.
Sagot: 95% Hindi po..
Dahil ang mga petsang ito ay tinatawag na black out dates kung saan, di applicable ang promo fares
dahil sa taas ng demand, andaming gustong magbiyahe sa ganitong time.
3. Discounted po ba ang bata, 3 years old and above?
Sagot:
Considered as adult rate na po sila.
Infant Rate is only applicable for 2 years old and below at dapat,
wala pang 2 years old ang bata sa date ng travel para maging eligible sa infant rate.
4. Magpapabook po sana ako kaso bukas ko pa po mababayaran, pwede po ba ipareserve yan?
Sagot:
BOOK AND BUY BASIS po ang airlines.
Ibig sabihin, para mapasayo ang booking na gusto mo, kailangan muna itong bayaran bago makapag issue ng ticket.
Dahil kadalasan, walang kakayahan ang agency na i-hold ang seats o promo fares.
5. Bakit inoffer ako ng murang fare sa una kong inquire nung babalikan ko mahal na?
Sagot:
First come first served basis po ang booking ng promo.
Maaaring nung nag inquire po kayo, available pa dahil maaga pa.
Ngunit nakabase pa rin ang final ticket price sa oras kung kailan ninyo masesettle ang bayad.
Kaya dapat wag na magpaligoy ligoy pa kung may nakita nang sale.
6. Legit po ba ung offer nyo ?
Sagot:
Legit ang offer ng isang ticketing office or travel agency kung:
☑️ May PERMIT/License to operate sila
(DTI, Mayor’s Permit and BIR)
☑️ Published rate must be aligned to the published rate offered by the airlines. Pag may nagooffer sa inyo na mas mababa sa mga yan o sobrang malayo sa published rate, magtaka ka na, dahil malamang scam yan.
☑️Pag nagbook sa mga online travel agency, make Sure na makikita nyo sa itinerary ticket nyo ang PNR para macheck nyo sa airlines kung may confirmed reservation ka sa kanila.
Happy Booking, dear clients!