24/10/2021
A Hidden Picturesque Spot in Kalinga! 🌻
📍Uma, Lubuagan, Kalinga
Ang ganda ng place, mabubusog talaga ang mga mata mo sa magandang tanawin at wala masyadong tao, hindi kasi ito masyadong binibisita ng mga turista.
🌼 Ang highlight talaga ng trip na 'to ay ang Kadamayan Falls. Paalala, sobrang lamig ng tubig!! Pero libre lang naman. Walang basurahan sa lugar kaya make sure na 'wag kayo mag-iiwan ng basura dun para mapanatiling malinis.
🌼 Ang mura ng mga kainan. Kumain kami sa Jake's Rice. Batil Patong at Mami ang inorder namin. The food price ranges from 40-100 pesos only!! Mura na tapos ang ganda pa ng view 😍
🌼 Kung wala kayo kakilala sa place, maganda sya for daytour lang kasi walang mga hotels or inn sa lugar. Mas maigi kung mag-book na lang ng hotel sa Bulanao ☺️
HOW TO GET THERE?
🌻 If galing ka sa Manila, mag-hanap ka lang ng mga Van online papuntang Tabuk, Kalinga. Madami po sila at bumabyahe everyday. The fare is between 1500-2500 pesos. Magpa-drop off sa Dagupan, Tabuk
🌻Sa Dagupan Tabuk, hanapin ang Balagyo's Grocery Store. Take note po na 8-9am pa po nag-kakaroon ng Jeep papuntang uma, lubuagan, kalinga ❤️