02/10/2020
Baggao - Sa pangunguna ni Mayor Joan C. Dunuan at ng lokal na pamahalaang bayan ng Baggao at sa pagsisikap nitong labanan ang mga umuusbong na isyu sa kapaligiran, kasalukuyang ipinatutupad ang Baggao Cagayan Billion Tree Planting and Growing Project (BCBTPGP).
Ang pangkalahatang layunin ng proyekto ay ang maprotektahan at makapagtanim ng isang bilyong mga puno sa loob ng dalawampu't limang taon (25) upang manumbalik ang luntiang kagubatan ng munisipalidad.
Sa ngayon, ayon sa datos ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), sa pangkalahatan, nakapagtanim ng 30, 384 na ibat ibang uri ng punung-kahoy na may survival rate na 64.68%.
Kaugnay nito, sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng BCBTPGP, nais ng LGU-Baggao kasama ang MENRO at ng Technical Working Group (TWG) ng proyekto na magkaroon ng isang malawakang pagtatanim ng punung-kahoy sa buong bayan para sa paggunita ng napakahusay na hangarin na ito.
Ang gaganaping tree planting activity ay lalahukan ng lahat ng mga pamilya sa ating bayan sa darating na Oktubre 11, 2020, 7:00 AM hanggang 11:00 AM na isasagawa sa kanilang mga bakuran o sa anumang piling lugar.
Sa pangkalahatan, ayon sa datos na mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO), ang Baggao ay mayroong 25,687 na pamilya, samakatuwid, ito rin ang bilang ng mga punla na ibibigay na kanila namang itatanim.
Inaabisunan naman ang lahat ng lalahok sa Tree Planting Activity na magsuot lamang ng PUTI O BERDENG DAMIT o di kaya’y GAMITIN ANG OFFICIAL SHIRT NG BAGGAO CAGAYAN BILLION TREE PLANTING AND GROWING PROJECT AT ANG LIMITED EDITION SHIRT NG PROGRAMA.
MABIBILI ANG LIMITED EDITION 1ST ANNIVERSARY SHIRT NG BCBTPGP SA OFFICE OF THE MAYOR SA HALAGANG ₱175 LAMANG.
SA MGA MAGPOPOST NAMAN SA FACEBOOK, GAMITIN ANG MGA HASHTAGS NA:
Maraming salamat!