LuckbayAral Tv

LuckbayAral Tv "Discover the world and learn from it..."

🤣🤣🤣
26/03/2024

🤣🤣🤣

16/08/2023

"ROMUALDEZ SHRINE"

For the daughter of Tacloban, Madam Imelda Romualdez Marcos,the Heritage Museum was built by the late President Ferdinand Marcos as one of its 29 Presidential rest houses in the Philippines. Today, the said property is managed by the PCGG as part of the ill-gotten wealth of the late President.




14/08/2023

"San Juanico Bridge"

The San Juanico Bridge is said to be the longest bridge in the Philippines before the cordova link in Cebu. The bridge is also known as a symbol of love by Waraynons which connects the sister islands of Samar and Leyte. It is a gift of Former President Ferdinand Marcos to his spouse Imelda who is a native of Leyte Province.
The 4-year construction of San Juanico Bridge started in 1969 and costs $21.9 million.



09/08/2023

"M/V Eva Jocelyn"

The name of a large cargo vessel that was swept ashore in the coastal barangay of Anibong amid the huge storm surge triggered by the deadly super typhoon last 2013.

It technically never left its place, as the bow of the ship has been transformed by the city government into a tourist spot where one can reenact Kate Winslet's iconic pose in the "Titanic" movie, among other things.

Now a symbol of what could be called "Yolanda tourism" in Tacloban, the bow has been prettied up for this purpose since the time it became a landmark.



"Kahit na ang mga kaaway ay maaaring magpakita ng paggalang at pagmamalasakit."Isang bantayog ang matatagpuan sa Dulag, ...
09/08/2023

"Kahit na ang mga kaaway ay maaaring magpakita ng paggalang at pagmamalasakit."

Isang bantayog ang matatagpuan sa Dulag, Leyte. Bakit magkakaroon ng bantayog ang isang Opisyal na Japanese sa Pilipinas?

Narito ang kanyang kwento...
Noong 1943 isang batang opisyal ng Hapon na nakilala lamang bilang "Kapitan Yama*oy" ang itinalaga upang manguna sa garison ng bayan ng Dulag. Si Yama*oye ay lubos na magalang at mapagmahal sa mga Pilipino. Hinikayat at tinuruan sila na magtanim ng mga pananim na ugat upang maiwasan ang gutom sa panahon ng digmaan. Inutusan pa nga niya ang kanyang mga tauhan na huwag saktan ang anumang mga sibilyan at bilanggo. Dati siyang naglalaro ng judo, tennis at basketbol kasama ang mga Pilipino at sumama sa kanila sa gabi upang mangharana. Naiulat din na siya ay isang Katoliko. Para dito siya ay nagustuhan at iginagalang ng mga lokal.

Pinamalas nya ang kanyang tunay na pagmamalasakit para sa kapakanan ng mga residente ng bayan ng Pilipinas , nuong malaman niya ang plano ng mga gerilya na sasalakay ang mga ito sa kanilang garison.

Siya ay Nag-aalala tungkol sa mga lokal, nagpadala siya ng mensahe sa mga gerilya upang salubungin siya at ang kanyang mga tauhan sa labas ng bayan upang walang mga sibilyan na masaktan sa pag-atake.

Nakalulungkot, sa kanyang pagpunta sa itinalagang lugar ng labanan ng barilan ay sinalakay sila at siya ay nahulog sa bala ng isang sniper sa Brgy. Curba. (na ngayon ay Del Pilar na)

Nang malaman ng mga residente na napatay si Yama*oye lahat sila ay nagdadalamhati at ang kampana ng simbahan ay pinatunog maghapon.

Ngayon ang isang bantayog ay nakatayo sa parehong lugar kung saan namatay si Yama*oye.

25/07/2023

"History repeats itself...hindi totoo yan...walang power ang history para ulitin..kundi tayo...."
-Ambeth Ocampo (historiador)

MARCOS "B**g" MANALANG Story(Lagro Subd. Quezon City Massacre 1984)Ang ka*ong ito ay isang klasikong kuwento ng isang pa...
09/07/2023

MARCOS "B**g" MANALANG Story
(Lagro Subd. Quezon City Massacre 1984)

Ang ka*ong ito ay isang klasikong kuwento ng isang pag-iibigan na nauwi sa isang trahedya na naisa pelikula pa noong taong 1992,pinamagatang 'SA AKING PUSO'.
Taong 1978 nang si Maximino Lorenzo ay nagtrabaho bilang inhenyero sa Pantabangan,Nueva Ecija ay kinuha nya ang kanyang Pinsan na si Marcos Manalang upang maging TimeKeeper sa naturang pinagtatrabahuhan nito.Hindi kinalaunan,ay hinakayat nya itong manirahan na lamang sa Blk 84 Lot 47 sa Lagro Subd. Novaliches, Quezon City upang pag aralin.
Pinag aral nya nga ito subalit lumipas ang taon,si B**g Manalang ay umibig sa isang dalaga na nag ngangalang Maggie Chavez.
Ayon sa pelikula,sila ay nagkaibigan ngunit tutol dito ang tyahin at mga kamag anak ni B**g na syang idinamdam nito.Sa huli ay nalaman din ng pinsan nitong si Maximino na ang binibigay nyang matrikula upang ipampaaral sana sa pinsan ay hindi nailaan para dito,kayat isa sa dahilan kung bakit nagalit ito sa kanyang pinsan na si B**g.
Noong January 3,1984 isang umaga habang nasa trabaho ang mag asawang Maximino at asawa nitong si Edith,naganap ang malagim na krimen... Ang natira sa kanilang tahanan ay sina Felisa na nanay ni maximino na tyahin ni B**g,ang dalawang anak na pamangkin nito at isang kasambahay.Gumamit ng Kitchen knife at bolo si B**g at pinaslang nga nya ang pamilya kasama ang isang kasambahay.
Ayon sa aking pagsasaliksik,taliwas sa pelikula na magkasintahan ang dalawa...Sinasaad sa pelikula na silay magkasintahan subalit sa totoong pangyayari ay binasted ito ng dalaga na isang tindera sa isang tindahan.
Nakulong si B**g Manalang ng maraming taon,sa loob ng kulungan ay naging isa syang Pastor...At noong Abril 4 taong 2009 siya ay pumanaw sa natural na kadahilanan.



"THE RUINS"(Taj Majal of the Philippines)Ang Mansion na ito ay pinatayo ni Don Mariano Ledesma Lacson sa gitna ng tanima...
05/07/2023

"THE RUINS"
(Taj Majal of the Philippines)

Ang Mansion na ito ay pinatayo ni Don Mariano Ledesma Lacson sa gitna ng taniman ng tubo sa Talisay City,Negros Occidental.
Nang mag tungo si Don Mariano sa Hongkong,nakilala nya si Maria Braga na isang Portuguese at ito' kanyang naging kabiyak.Nagkaroon sila ng Sampung anak ngunit sa ika labing isa nila sanang anak ay nadulas ito sa kanilang palikuran at ito ay nakunan,dahil sa trahedyang ito,pumanaw si Maria Braga.Ang mansion na ito ang nagpaalala sa pagmamahalan ng dalawa.
Nang sumiklab ang gyera laban sa mga hapon,ninais ni Don Mariano na sunugin ang mansion upang hindi pag kutahan ng mga hapon,ang mga haligi lamang nito ang natira magpahanggang sa ngayon.




OCCIDENTAL MINDORO ESCAPADE!CALAWAGAN MOUNTAIN RESORT is the cleanest river in the Philippines and top 8 in the whole wo...
04/07/2023

OCCIDENTAL MINDORO ESCAPADE!

CALAWAGAN MOUNTAIN RESORT
is the cleanest river in the Philippines and top 8 in the whole world.




"Sheik  Karim ul Mahkdum Mosque"Noong 1380 Century isang Muslim Trader mula  Johore o mas kilala ngayon na bansang Malay...
04/07/2023

"Sheik Karim ul Mahkdum Mosque"

Noong 1380 Century isang Muslim Trader mula Johore o mas kilala ngayon na bansang Malaysia ang nagtungo sa isla ng Simunul sa lalawigan ng Tawi-Tawi upang makipagkalakalan. Siya si Karim Mahkdum,ang nagdala sa Pilipinas ng relihiyong Islam bago pa man dumating sa ating bansa sina Ferdinand Magellan noong 1521 at ipalaganap ang Kristyanismo...Ang mga kapatid nating mga Tausug mula mindanao ang unang umakap sa relihiyong islam at sa aral ng Quran...Sa nasabing bakuran din nito diumano nakalibing ang mga labi ni Mahkdum...


"USRC Mc CULLOCH"Lulan ng barkong ito si Heneral Emilio Aguinaldo nang kunin nya ang Tinahing Watawat ng Pilipinas ni Ma...
04/07/2023

"USRC Mc CULLOCH"

Lulan ng barkong ito si Heneral Emilio Aguinaldo nang kunin nya ang Tinahing Watawat ng Pilipinas ni Marcela Agoncillo sa tulong ng kanyang panganay na anak na si Lorenza at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad mula sa Hongkong noong taong 1898.


"Kahit na ang mga kaaway ay maaaring magpakita ng paggalang at pagmamalasakit."Isang bantayog ang matatagpuan sa Dulag, ...
04/07/2023

"Kahit na ang mga kaaway ay maaaring magpakita ng paggalang at pagmamalasakit."

Isang bantayog ang matatagpuan sa Dulag, Leyte. Bakit magkakaroon ng bantayog ang isang Opisyal na Japanese sa Pilipinas?

Narito ang kanyang kwento...
Noong 1943 isang batang opisyal ng Hapon na nakilala lamang bilang "Kapitan Yama*oy" ang itinalaga upang manguna sa garison ng bayan ng Dulag. Si Yama*oye ay lubos na magalang at mapagmahal sa mga Pilipino. Hinikayat at tinuruan sila na magtanim ng mga pananim na ugat upang maiwasan ang gutom sa panahon ng digmaan. Inutusan pa nga niya ang kanyang mga tauhan na huwag saktan ang anumang mga sibilyan at bilanggo. Dati siyang naglalaro ng judo, tennis at basketbol kasama ang mga Pilipino at sumama sa kanila sa gabi upang mangharana. Naiulat din na siya ay isang Katoliko. Para dito siya ay nagustuhan at iginagalang ng mga lokal.

Pinamalas nya ang kanyang tunay na pagmamalasakit para sa kapakanan ng mga residente ng bayan ng Pilipinas , nuong malaman niya ang plano ng mga gerilya na sasalakay ang mga ito sa kanilang garison.

Siya ay Nag-aalala tungkol sa mga lokal, nagpadala siya ng mensahe sa mga gerilya upang salubungin siya at ang kanyang mga tauhan sa labas ng bayan upang walang mga sibilyan na masaktan sa pag-atake.

Nakalulungkot, sa kanyang pagpunta sa itinalagang lugar ng labanan ng barilan ay sinalakay sila at siya ay nahulog sa bala ng isang sniper sa Brgy. Curba. (na ngayon ay Del Pilar na)

Nang malaman ng mga residente na napatay si Yama*oye lahat sila ay nagdadalamhati at ang kampana ng simbahan ay pinatunog maghapon.

Ngayon ang isang bantayog ay nakatayo sa parehong lugar kung saan namatay si Yama*oye.

"Kahit na ang mga kaaway ay maaaring magpakita ng paggalang at pagmamalasakit."

Isang bantayog ang matatagpuan sa Dulag, Leyte. Bakit magkakaroon ng bantayog ang isang Opisyal na Japanese sa Pilipinas?

Narito ang kanyang kwento...
Noong 1943 isang batang opisyal ng Hapon na nakilala lamang bilang "Kapitan Yama*oy" ang itinalaga upang manguna sa garison ng bayan ng Dulag. Si Yama*oye ay lubos na magalang at mapagmahal sa mga Pilipino. Hinikayat at tinuruan sila na magtanim ng mga pananim na ugat upang maiwasan ang gutom sa panahon ng digmaan. Inutusan pa nga niya ang kanyang mga tauhan na huwag saktan ang anumang mga sibilyan at bilanggo. Dati siyang naglalaro ng judo, tennis at basketbol kasama ang mga Pilipino at sumama sa kanila sa gabi upang mangharana. Naiulat din na siya ay isang Katoliko. Para dito siya ay nagustuhan at iginagalang ng mga lokal.

Pinamalas nya ang kanyang tunay na pagmamalasakit para sa kapakanan ng mga residente ng bayan ng Pilipinas , nuong malaman niya ang plano ng mga gerilya na sasalakay ang mga ito sa kanilang garison.

Siya ay Nag-aalala tungkol sa mga lokal, nagpadala siya ng mensahe sa mga gerilya upang salubungin siya at ang kanyang mga tauhan sa labas ng bayan upang walang mga sibilyan na masaktan sa pag-atake.

Nakalulungkot, sa kanyang pagpunta sa itinalagang lugar ng labanan ng barilan ay sinalakay sila at siya ay nahulog sa bala ng isang sniper sa Brgy. Curba. (na ngayon ay Del Pilar na)

Nang malaman ng mga residente na napatay si Yama*oye lahat sila ay nagdadalamhati at ang kampana ng simbahan ay pinatunog maghapon.

Ngayon ang isang bantayog ay nakatayo sa parehong lugar kung saan namatay si Yama*oye.


"Hari sa Hari, Lahi sa Lahi" Sadyang nakabibighani ang ating kasaysayan...Dahil bago pa man dumating si Magellan sa atin...
04/07/2023

"Hari sa Hari, Lahi sa Lahi"

Sadyang nakabibighani ang ating kasaysayan...
Dahil bago pa man dumating si Magellan sa ating bansa noong 1521 at angkinin ang pagkakatuklas sa Pilipinas, Mayroon ng mga Tribo at mga Sultan na may malalim na ugnayan sa Emperor ng bansang Tsina.
Ang isa na dyan ay ang kinikilalang Sultan ng Sulu na si Paduka Batara noong panahon na yon...

Noong taong 1417 (ming dinastiya), ang mga Pilipino at Tsino ay nakikipag-ugnayan na sa isat isa tulad ng pakikipagkalakalan at pagbisita sa mabuting kalooban.

Binisita ni Sultan Paduka Batara ang kaibigang si Emperador Yongle ng Tsina, at sa Tsina na rin tuluyang namayapa ang Sultan.
Ang libingan na ito (ang una sa dalawang mga haring dayuhan lamang sa kasaysayan ng Intsik) ay isang tanda ng tipan sa ugnayan ng dalawang bansa.

Ang dalawang babae na nasa kanyang likuran ay ang kanyang dalawang asawa, at ang larawan na nsa gitna ay mismong larawan ng Sultan na nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ng isang hari ng tsina.
Ang dalawang anak na lalaki ni Sultan Paduka Batara ay binigyan din ng pagkamamamayang Tsino para sa kanila na manatili at bantayan ang nitso ng hari, ito ay matatagpuan sa Dezhou, Shandong sa bansang tsina.

Sa kasalukuyang henerasyon ang mga huling mga pangalan na "Wen" at "An" sa lalawigan ng Shandong ay mga buhay na direktang inapo ng Hari ng Sulu...


"Pedro Murillo Velarde Map 1734"Nasakop ang Maynila sa ilalalim ng kolonya ng mga briton noong Oktubre 6, 1762...at kasa...
04/07/2023

"Pedro Murillo Velarde Map 1734"

Nasakop ang Maynila sa ilalalim ng kolonya ng mga briton noong Oktubre 6, 1762...at kasamang naitangay nila ang mapa na gawa diumano sa Copper Plate. Naipreserba ito ng Inglatera sa halos na 300 taon...Noong taong 2014 ito ay naisubasta sa isang Pilipinong negosyante na si Mel Velarde sa halagang P13,000,000. Isa rin ito sa ginamit na ebidensya upang ipanalo natin ang ating teritoryo na inaangkin ng Tsina...


"MALUMPATI MYSTIC WATERS"Ang Malumpati ay nahahati sa dalawang salita...Malumpat, na nangangahulugang "tumalon," at Ati ...
28/06/2023

"MALUMPATI MYSTIC WATERS"

Ang Malumpati ay nahahati sa dalawang salita...Malumpat, na nangangahulugang "tumalon," at Ati na maikli para sa isang katutubong tribo na nagngangalang Aetas na tumalon sa bukal upang maligo at lumangoy.
Ang isang parte nito ay lagpas 100ft. At hanggang sa ngayon ay hindi pa naaabot ng mga divers ang pinaka ilalim nito. Ang tubig rin nito ay mayaman sa calcium.




"NEGROS ISLAND"Kabilang sa mga pinakaunang naninirahan dito ay ang mga katutubo na maitim ang balat na kabilang sa pangk...
27/06/2023

"NEGROS ISLAND"

Kabilang sa mga pinakaunang naninirahan dito ay ang mga katutubo na maitim ang balat na kabilang sa pangkat etniko ng Negrito na may kakaibang kultura. Kaya, tinawag ng mga Kastila ang lupain na "Negros" ayon sa mga itim na katutubo na kanilang nakita noong una silang dumating sa isla noong Abril 1565.
Ang naturang pangalan ng lalawigan bago pa ito tinawag na Negros ay tinawag itong BUGLAS na sa salitang hiligaynon ay putulin dahil pinaniniwalaan na ang isla ay nahiwalay sa mas malaking kalupaan.




"Ang Pilipinong Rambo"Si Patrick Gavin Tadina, 77 gulang,tubong Hawaii at pumanaw nang payapa noong Mayo 29 taong 2020.A...
25/06/2023

"Ang Pilipinong Rambo"

Si Patrick Gavin Tadina, 77 gulang,tubong Hawaii at pumanaw nang payapa noong Mayo 29 taong 2020.Ang kanyang mga magulang ay mga Pilipino na sina Esteban at Irene Tadina; kapatid na babae, Nani Tadina; at kapatid, si Stephen Tadina.

Kilalang kilala si Patrick bilang Command Sergeant Major Tadina. Ang kanyang serbisyo noong panahon ng Digmaang Vietnam ay isa sa matinding nagpamalas ng lakas ng loob at serbisyo bilang kasapi ng 173rd Airborne Brigade Long Range Reconnaissance Patrol (LRRP), 74th Infantry Detachment Long Range Patrol (LRP) at Company N (Ranger), 75th Infantry. Habang naglilingkod bilang isang pinuno ng koponan sa loob ng limang taon. Ito ay nagawa nya na hnd alintana ang peligro ng kanyang sariling buhay sa maraming beses.Dahil dyan nagawaran siya ng (2 Silver Stars), 10 Bronze Stars (7 na may V Device), 4 na Army Commendation Medals (2 na may V Device) at tatlong mga Lila na Lila.

Dahil diyan,hinango ang kanyang naging buhay sa pelikula na ginampanan ni Sylvester Stallone na 'RAMBO'.



"MOISES PADILLA"Noong 1957, ang Magallon ay isang barangay mula sa bayan ng Isabela lalawigan ng Negros Occidental.Ito a...
22/06/2023

"MOISES PADILLA"

Noong 1957, ang Magallon ay isang barangay mula sa bayan ng Isabela lalawigan ng Negros Occidental.Ito ay pinalitan ng Moises Padilla kinalaunan... isang pampublikong pigura na pinahirapan at pinatay para sa pulitikal na mga kadahilanan ng mga assassin ni dating Gobernador Rafael Lacson sa Isla ng Negros. Si Padilla ay idineklarang martir ng yumaong Pangulong Ramon Magsaysay, noon ay Kalihim pa lamang ng Tanggulang Pambansa noong unang bahagi ng Dekada 50.

Bumalik tayo sa taong 1951 na ang Pangulo ng Pilipinas ay si Elpidio Quirino. Isa sa kanyang mga pangunahing kapartido ay si Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental na pinsan ng unang mayor ng Maynila na si Arsenio Lacson, kinatatakutang warlord na may sariling private army.

Walang gustong kumalaban sa kanya. Ngunit sa isang maliit na bayan ng Magallon nangahas na lumaban sa isang bata ni Lacson na si Jose Gayona ang isang dating gerilya na si Moises Padilla upang maging Alkalde. Natalo siya sa halalan na iyon, ngunit sa kanyang pagtindig laban sa administrasyon ni Lacson alam niyang markado na siya. Sinabi niya sa kanyang ina anuman ang mangyari sa kanya, “Tell Magsaysay”—sabihan raw si Ramon Magsaysay, ang kalihim ng Tanggulang Pambansa na kapartido ni Quirino at ni Lacson. Ngunit ganun ang tiwala niya sa katapatan ni Magsaysay.

Isang araw matapos ang halalan, November 13, 1951, nawalang sukat si Padilla. Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang minaltrato at nabubulok niyang katawan. Nagpadala ng telegrama ang nanay nya kay Magsaysay. Kinagabihan, walang pag-aatubiling sumakay ng eroplano ang kalihim patungong Negros kasama ang hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Nakarating sila sa Magallon, tahimik, walang nangahas magturo sa kanilang kung nasaan ang bahay ni Moises Padilla. Hanggang makakita sila ng bahay na maliwanag at doon nga nakahimlay sa isang mesa ang malamig at duguang katawan ni Moises Padilla. Nang lapitan niya ang ina ni Padilla, nagpakilala siya, “I am Ramon Magsaysay.”

Umatungal ang babae, lumuhod kay Magsaysay at naglupasay, “My son is dead! My son is dead!” Himingi ng permiso si Magsaysay sa ina na sa kanyang pagbalik sa Maynila, dadalhin niya ang bangkay ni Padilla sa Maynila upang ma-autopsy. Pagbaba sa paliparan, kalong-kalong ni Magsaysay ang duguang katawan ni Padilla. Madalas niyang sabihin, “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.” Hiniling niya kay Pangulong Quirino na suspindihin ang kapartido nilang si Lacson. Sa kabila ng pagtutol ng mga kapartido, sinuspindi ni Quirino ang gobernador. Pinadis-armahan din ni Magsaysay ang tatlong libong mga bata ni Lacson. At kahit “amiable” naman ang gobernador at hindi naman siya ang may gawa mismo ng krimen, agad siyang kinasuhan, napatunayang maysala at nahatulan ng kamatayan kasama ang 22 iba pa kabilang na ang 3 alkalde at 3 hepe ng pulisya. Ang kasaysayang ito ay mula sa historiador na si Propesor Xiao Chua.

Ako'y nagtungo sa bayan ng Moises Padilla at aking nakapanayam ang pamangkin ng ating bida sa kwento.Nagtungo rin ako sa dating tahanan nito at pinakita satin ang natanggap na honor award ng kanyang tiyuhin.Hindi tayo napaunlakan na makita ang natitira nitong mga kagamitan dahil itoy naka kandado sa isang silid...nakakalungkot lamang isipin na ni isa mang rebulto ni Moises Padilla ay walang naitayo sa bayan nito... Tayo ang kauna unahan na pumunta sa dating bahay nito upang magsaliksik tungkol sakanya.



"Jaro Church & Graciano Lopez Jaena"Sa simbahang ito bininyagan ang kilalang Pilipinong Propagandista na si Graciano Lop...
18/06/2023

"Jaro Church & Graciano Lopez Jaena"

Sa simbahang ito bininyagan ang kilalang Pilipinong Propagandista na si Graciano Lopez Jaena noong Disyembre 20,1856 at dito rin di umano iniwan noong sanggol pa lamang si Senadora Grace Poe bago ampunin ng mag asawang Fernando Poe at Susan Roces.

Si Graciano Lopez Jaena ang kauna unahang Propagandistang Pilipino ang nag alsa at naghangad ng Kalayaan ng Pilipinas sa pananakop ng mga kastila kasama sina Dr.Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar.



"CITY of LOVE"Ang iloilo ay hango sa salitang 'ilong-ilong' dahil sa hugis ilong ang mapa nito...Ang iloilo ay itinatag ...
17/06/2023

"CITY of LOVE"

Ang iloilo ay hango sa salitang 'ilong-ilong' dahil sa hugis ilong ang mapa nito...
Ang iloilo ay itinatag noong 1566 ng mga Español.
Tinawag din itong City of Love dahil sa malalambing ang mga tao dito lalo na ang mga kababaihan.
Makikita sa larawan ang Simbahan ng Molo na kung saan ay dumalaw ang ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal upang magdasal at masilayan ang mga biblical paintings sa loob nito noong Agosto 4,1886 matapos syang ipatapon sa Dapitan.




𝖬𝗂𝗌𝗍𝗎𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗎𝗉𝗈 𝗌𝖺 𝗍𝗎𝗄𝗍𝗈𝗄 𝗇𝗀 𝗕𝘂𝗹𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗌𝗂 𝗗𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝖺𝗍 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗌𝗎𝗈𝗍 𝗉𝖺 𝗂𝗍𝗈 𝗇𝗀 Barot Saya O𝖻𝗋𝖺 Maestra 𝗇𝗂 Art of...
16/06/2023

𝖬𝗂𝗌𝗍𝗎𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗎𝗉𝗈 𝗌𝖺 𝗍𝗎𝗄𝗍𝗈𝗄 𝗇𝗀 𝗕𝘂𝗹𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗌𝗂 𝗗𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝖺𝗍 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗌𝗎𝗈𝗍 𝗉𝖺 𝗂𝗍𝗈 𝗇𝗀 Barot Saya

O𝖻𝗋𝖺 Maestra 𝗇𝗂 Art of Manelle 👏👏👏




Art by Art of Manelle
📸Unknown photographer

Si Atty. Ambrosio Rianzares BautistaAng siyang nagwagayway ng ating bandila sa balkonahe ni Heneral Emilio Famy Aguinald...
12/06/2023

Si Atty. Ambrosio Rianzares Bautista
Ang siyang nagwagayway ng ating bandila sa balkonahe ni Heneral Emilio Famy Aguinaldo sa tahanan nito sa Kawit,Cavite
Noong ika 12 ng Hunyo taong 1898.
Siya rin ang tagapayo ng ating Pangulo.



"DIWATA LIGHTHOUSE MUSEUM"(Magical,Enchanting,Sexy but Conservative,Alluring but not Daring,Strong,Sensitive & Caring.)A...
09/06/2023

"DIWATA LIGHTHOUSE MUSEUM"
(Magical,Enchanting,Sexy but Conservative,Alluring but not Daring,Strong,Sensitive & Caring.)

Ang Aklan ay itinatag noong 1213 sa pamumuno ni Datu Dinagandan na ang kabisera nuon ay ang bayan ng Batan at hindi pa ang naturang kabisera nito ngayon na Kalibo.Noong 1399,ito ay pinamunuan ni Datu Kalantiaw at ginawa nya ang batas kalantiaw noong taong 1433.
Ito rin ang tinaguriang pinaka matandang probinsya sa ating bansa.

Kilala rin ang Aklan dahil sa natural na ganda ng Boracay at nang mayaman nitong kultura...
Nakakita ako ng isang Proyektong magtatayo ng isang bantayog upang ipaalala na nakabantay sa atin ang Inang Kalikasan at ipapaalala ang Kasaysayan ng Lalawigan.

Napaka gandang proyekto nito at nawa'y maisakatuparan,sa paraang ito ay maitatawid ang kasaysayan sa ating makabagong panahon at sa mga susunod pang henerasyon.
Ibahagi mo rin ito sa iba upang pagpapakita ng iyong pagmamahal at suporta sa ating kalikasan.




"Guisi Lighthouse"Ang Guisi Lighthouse ay itinayo ng pamahalaang Espanyol noong 1894-1896 bilang bahagi ng master plan p...
07/06/2023

"Guisi Lighthouse"

Ang Guisi Lighthouse ay itinayo ng pamahalaang Espanyol noong 1894-1896 bilang bahagi ng master plan para sa pag-iilaw ng Maritime Coasts ng Philippine Archipelago. Ang plano ay naglalayong magbigay-liwanag sa mga dagat at daluyan ng Pilipinas upang gabayan ang mga barko sa at sa pamamagitan ng pinakamahahalagang daluyan ng dagat patungo sa mga daungan ng Maynila, Iloilo, at Cebu. Kilala bilang Faro de Punta Luzaran, ang parola ay nagsilbing tulong sa paglalayag sa mga mangingisda at mandaragat na tumatawid sa Panay Gulf. Habang ang orihinal na parola ay hindi na gumagana.Ito rin ang pangalawa sa pinaka matandang parola sa ating bansa.



"THE SPOLIARIUM"Ang Spoliarium ay marahil ang pinaka-iconic na pagpipinta ng isang Pilipino. Noong 1884, nakuha ng Pilip...
07/06/2023

"THE SPOLIARIUM"
Ang Spoliarium ay marahil ang pinaka-iconic na pagpipinta ng isang Pilipino. Noong 1884, nakuha ng Pilipinong pintor na si Juan Luna ang gintong medalya sa Exposicion de Bellas Artes sa Madrid para sa pagpipinta na ito. Ito ay isang libangan ng Roman circus, kung saan ang mga patay na gladiator ay kinakaladkad palabas ng arena. Isa sa mga tinalo ni Luna ay ang instructor ni Pablo Picasso na si Antonio Degrain sa pantimpalak na nilahukan nito.




"MAG-ASO FALLS"Ang Mag-Aso falls ay matatagpuan sa Barangay Oringao, sa lungsod ng Kabankalan, sa Negros Occidental. Ang...
07/06/2023

"MAG-ASO FALLS"

Ang Mag-Aso falls ay matatagpuan sa Barangay Oringao, sa lungsod ng Kabankalan, sa Negros Occidental. Ang pangalan ng talon, Mag-Aso, ay nagmula sa salitang hiligaynon, a*o'. Na ang ibig sabihin ay usok. Nagtataka kung bakit umuusok? Ito ay dahil ang kambal na talon ay bumagsak na may taas na walong metro, ay lumilikha ng usok pagkatapos itong bumagsak. Ito ay may pulbos na asul na tubig at isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming tao ang nagsimulang mapansin ito.

P50 entrance fee/px
cottage P200
30 mins. ride with motorbike from proper of Kabankalan City.




"Seafoods Capital of the Philippines"Nang dumating ang mga Kastila, nagtayo sila ng pamayanan sa kasalukuyang lungsod ng...
07/06/2023

"Seafoods Capital of the Philippines"
Nang dumating ang mga Kastila, nagtayo sila ng pamayanan sa kasalukuyang lungsod ng Roxas. Sa loob ng maraming siglo, ang lugar ay tinawag na Capiz hango sa isang shell na matatagpuan sa lugar din na yun. Itinatag noong 1693 ang lalawigan at ito ay isang visita ng karatig bayan ng Panay. Pagkatapos noong 1746, ito ang naging upuan ng pamahalaang militar.Mayaman sa lamang dagat ang lalawigan kayat itoy binansagan ding Seafoodfoods Capital ng bansa.

🦐🦞🦀🦑🐙🦪🐠


"Apo Whang-od also known as Maria Oggay...She is the last and still alive Mambabatok...She was born on February 17,1917 ...
07/06/2023

"Apo Whang-od also known as Maria Oggay...She is the last and still alive Mambabatok...She was born on February 17,1917 @ Tinglayan Kalinga,Apayao"

Producers: Tita Cornelia Casiano
Gina Castillo
Michael Casiano



"One of the Greatest Filipino Sculptors"      Si Anastacio Tanchauco Caedo ay isinilang sa lalawigan ng Batangas noong i...
06/06/2023

"One of the Greatest Filipino Sculptors"

Si Anastacio Tanchauco Caedo ay isinilang sa lalawigan ng Batangas noong ika-14 ng Agosto taong 1907 at namatay noong Mayo 12 taong 1990.Isa syang matagumpay na negosyante,pulitiko,profesor at tanyag na iskultor.

Nakilala siya bilang isang magaling na alagad ng sining pagdating sa pag gawa ng ibat ibang estatwa na mga naging haligi ng kasaysayan ng Pilipinas.Ilan sa mga ginawa nya ang monumento ni Andres Bonifacio sa balintawak na sagisag ng unang sigaw sa pugad lawin,mga rebulto ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal sa ibat ibang panig ng mundo tulad ng nasa Wilhelmsfeld sa bansang Alemanya,mga Rebulto ni Ninoy Aquino sa Lungsod ng Makati.Siya rin ang nag disenyo ng sikat na monumento ni Heneral Douglas McArthur ng lumapag sa red beach Palo,Leyte.Halos hindi na mabilang ang kanyang mga naiambag sa ating kasaysayan.

Sa kabila ng mga kanyang naiambag,Siya ay ginawaran nuong 1983,1984 at 1986 bilang Pambansang Alagad ng Sining subalit kanya itong tinanggihan sa hindi malamang ra*on.Gayun pa man,para sa mga nakakakilala sakanya...Siya ay isang tunay at dapat lang na hirangin bilang isang Pambansang Alagad ng Sining.

Isa pang magtatama sa ating pananaw ngayon ay ang taliwas nating pgkakaalam na si Fernando Poe Sr. Na Ama ng hari ng pelikula na si FPJ Ang naging modelo ng Sikat na Oblation Statue ng Unibersidad ng Pilipinas na likha rin ng tanyag na iskultor na si Maestro Guillermo Tolentino.

Ayon kay Maestro Guillermo Tolentino,sina Anastacio Caedo at Virgillio Raymundo ang kanyang ginawang modelo upang ihambing ang wangis ng mga ito sa kanyang obra na Oblation Statue.

Sinundan rin ito ng kanyang anak na si Florante Caedo at sa Kasalukuyan ay sumunod na rin sa kanyang yapak ang kanyang apo na isa na ring kilala sa paglililok na si Frederic Caedo na isa sa mga obra nito ay ang nagiisang rebulto ni Macario Sakay sa Pilipinas na matatagpuan sa Tondo,Maynila.





Producer: Ronnie Yanoc

"Cagsawa Church"Alam nyo ba na bago sirain ng Bulkang Mayon ang Cagsawa Church noong Pebro 1,1814 ay sinira muna ito at ...
06/06/2023

"Cagsawa Church"

Alam nyo ba na bago sirain ng Bulkang Mayon ang Cagsawa Church noong Pebro 1,1814 ay sinira muna ito at sinunog ng mga pirata na Dutch mula sa bansang Netherlands noong ika 25 ng Hulyo taong 1635? Inatake nila sa araw ng kapistahan nito...marami rin silang pinatay na tao at sinunog na mga kabahayan rito. Dahil bilang ganti sa pananakop ng Espanya sa kanilang bansa ay sinalakay nila ang mga bansang kolonya nito,at isa na rito ang Pilipinas.





Producers: Marivic De Guzman
Russell Sumanting
Marchten
Jenesson
Duncan Roaring

Address

Malay, Aklan
Boracay
5608

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LuckbayAral Tv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category

Nearby travel agencies