06/05/2024
TaongBukid Travel and Tour Taong Bukid
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗨𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥 🌧
Dalawang bagong Low Pressure Area o mga sama ng panahon ang nabuo sa labas ng PAR o sa silangan ng ang patuloy ngayong binabantayan.
Base sa mga weather model, posibleng magsanib ang dalawang sama ng panahon na ito at maging isa, ngunit sa ngayon ay hindi pa masasabi kung magiging bagyo nga ba talaga ito o kung tatama ba sa bansa.
Sa ngayon, tanging ang GFS Model pa rin ang nananatiling consistent sa pagpapakita na may mabubuong bagyo rito at posibleng pumasok sa loob ng PAR next week.
Habang isang Low Pressure Area lamang na lalapit sa kalupaan ng Mindanao ang ipinapakita sa ngayon ng ilan pang mga weather model gaya ng ECMWF.
Patuloy itong babantayan sa mga susunod na araw dahil inaasahan pa rin ang PAGBABAGO.
Manatiling mag-antabay para sa susunod na ipalalabas naming 𝙒𝙚𝙖𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙐𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚 sa mga darating na araw.