18/01/2024
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=693306446312140&id=100068983727069&mibextid=Nif5oz
๐ ๐๐๐๐๐๐ง ๐ญ.๐ฑ ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ง๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐, ๐๐จ๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ
Umabot sa 1,527,159 turista ang naitalang bumisita sa lalawigan ng Palawan mula Enero hanggang Disyembre 2023 base sa datos ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO).
Ang kabuuang bilang ng mga turista ay tumaas ng 87.47% growth rate kumpara noong 2022 na mayroon lamang 814,621 tourist arrivals.
Mula sa naturang datos, 873,592 ay domestic/local tourists habang 653,567 ang foreign tourist arrivals.
Nanguna naman ang bayan ng El Nido sa mga munisipyo sa lalawigan na may pinakamaraming bilang ng turista, pumangalawa rito ang Coron na sinundan ng San Vicente, pang-apat ang Brookeโs Point at pang lima naman ang Linapacan.
Pasok naman sa top 5 foreign markets ay mula sa USA, France, Germany, United Kingdom at Spain.
Ang turismo ang isa sa tinututukang sektor ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates dahil ito ay isa sa itinuturing na engine of growth sa paglago ng ekonomiya ng lalawigan.
โIn general, 2023 was a productive year for the provinceโs tourism industry. But this does not mean that those in the industry have to be complacent. Continuous product development, policy implementation, promotions and marketing must be must be made to ensure not just touristic experience for travelers but also return visits,โ ani Maribel Buรฑi, Provincial Tourism Officer.
Samantala, kaakibat naman ng patuloy na pagtaas ng bilang ng tourist arrivals sa lalawigan ang paglaki rin ng tourist receipt na umabot ng P57.2-B ngayong 2023 mula sa P30.5-B noong 2022.
Palawan Turismo Palawan Provincial Tourism Office