28/10/2016
HISTORY😍
Jomalig is derive from the tagalog words humalik"to kiss"
Ikwento ko sa inyo ang isang alamat.ang alamat ng paghalik ng pinakamamahal sa kanyang sinisinta.
Noong panahon ng hari.
May isang pagkagandang prinsesa na iniirog ng isang magaling at makisig na mangingisda.sila ay nag iibigan sa isat isa...upang mapatunayan ang katapatan ng malakas na lalaki sa magandang prinsesa..
Nagbigay ng kundisyon ang hari sa mangingisda ng isang napakahirap na pagsubok na sasaksihan ng buong taga isla.
Hari: ikaw makisig na binata,kung nais mong makadaupang palad ang aking magandang anak.patunayan mo sa harap naming lahat iyong lakas sa paglangoy at galing sa pagsisid.
Lilibutin mo ang buong isla sa pamamagitan ng pag langoy at sa bawat lawis ng isla..sisisid ka at papana ng isang isda,na tanging tatamaan lang ay ang mata nito.
(lawis=edge corner of the shore)
Nagbulungan ang mga tao..dahil sa napaka hirap na pagsubok na iyon.sapagkat alam nila na napakalakas ng alon ng dagat pasipiko.at napakalawak ng isla.kung lalakarin mo to aabutin ka ng dalawang araw.at bukod pa doon ay papanain mo pa sa bawat lawis ang napaka iilap na isda..kung susumahin,nasa pitong lawis meron ang isla.lubha itong mahirap at mapanganip para sa isang kahit na sinong malalakas na mamamayan na naninirahan sa isla...
Ngunit ng dahil sa pagmamahal ng binata sa dalaga ay walang kagatol gatol nya itong tinanggap.
Nagpalakpakan ang mga tao bilang papuri sa katapangan,katapangang tumanggap ng hamon alang alang sa minamahal.
Napangiti ang prinsesa sa sayang nadadama sa puso nya.ngunit sa isang banda nito ay nanduroon ang pag alala sa minamahal.
Anupat sinimulan na ang paglalangoy,
sa sanktuaryo sumisid na agad ang binata at madali siyang nakapana ng isda.ipinakita nya ito at natuwa ang mga kababayan.sa galak sila ay naghiyawan .nagpalakpakan
pangalawang lawis
patungong lawis ng Casuguran.
Masigla at buong lakas na sinasalubong ng binata ang naglalakihang alon,ngunit parang balewala lng ito sa binata...
Pangalawang lawis sumisid ang binata at pumana ng isang isda.pag ahon ng binata sa tubig bitbit na nya ang isdang may tama sa mata.nagpalakpakan muli ang mga kababayan.
Patuloy ma lumangoy ang malakas na binata patungong lawis ng apad.
Nang marating nya ang ikatlong lawis.walang anu anoy sumisid muli pailalim ang binata.anupat sa pag ahon nitoy muli niyang itinaas ang napanang isda na may tama sa mata.muling nagpalakpakan ang mga tao.natuwa ang prinsesa habang nananalangin.nakamasid lng ang hari.
Muling pumaimbulog ang malakas na binata sa paglangoy.
Buong kisig niyang binagtas ang pang apat lawis.
Ang kanawai.narating ito ng binata na may nararamdaman ng pagod at pangingimi ng mga kalamnan.pero hindi niya inalintana ang nararamdaman dahil ang tanging nasa isip niya ay ang minamahal.sumisid itong muli ngunit wala itong makitang isda .tinungo pa nya ang maliit na islang bato sa tapat.dun nag bakasaling may makikitang isda.sumisid syang muli at hnd nga sya nag kamali.maraming isda sa paligid ng bato at pumana sya ng isa.sa pag ahon .muli na naman nyang dala ang isdang may tama sa mata.nagalak ang prinsesa na nooy hapong hapo na ang binata at hindi nya lang ito pinahahalata dahil ayaw niyang makitang nalulungkot ang iniirog.
Binagtas nya languyin ang ikalimang lawis .
Ang lawis ng bukal.
Nagpapanggap na syang malakas pa pero pinipilit nyang languyin ito.buo ang kanyang determinasyong tapusin ang sinimulan.dahil naka ugalian na nya ang hindi pag suko.na syang dahilan na ikina bighani ng dalaga sa kanya.
Narating nya ang lawis ng bukal na may nararamdamang pagod at panghihina.dahil halos dalawang araw na rin nyang nilalangoy ang isla.araw gabi.umulan o umaraw.kasabay pa nito ang hindi makakain ng maayos.dahil hinahagisan lng sya ng mga taong nadaraan nya habang lumalangoy.
Sa kanyang.muling pagsisid.kumuha sya ng maraming hangin at ipinagpatuloy ang paglubog.nagdadasal na makakita kaagad ng isda.nangyari naman yun at buong galing nya itong sinipat sa kabila ng panlalabo ma ng kanyang mata..marahil ay dala ng pagod,tinamaan nya ang isda at iniahon.
Natuwa ang lahat ngunit nababalisa dahil kahit itago ng binata ang pang hihina ay ramdam ng lahat ang kapagurang dinaranas ng binatang nooy tinatakasan na ng lakas.
Napangiti na lng nang bahagya ang binata at tumingin sa kangyang sinta.sa gilid ng mata ng prinsesa ay namumuo na ang luha dahil sa labis na pag alala.
MAHAL KO itigil mo na yan..umahon ka na,hindi mo na kaya.ang sabi mg prinsesang nababalisa habang magkadaop ang mga palad na aminoy nananalangin at nakatitig sa binatang kanyang iniibig.
Ngunit animoy bingi ang binata habang bahagyang nilalangoy ang pang anim na lawis.ang lawis ng Gango.
Narating nya ito ng tanghaling tapat na masidhi ang sikat ng araw na tumatama sa namumula at natutuklap na nyang balat.marahil ay tagal ng pagkababad sa tubig alat.sa kabila nito ay lubha na ang panghihina ng binata at mumunting hininga na natitira dahil sa sobrang kapaguran.
Sumighay sya ng karampot na hangin at muling sumisid pa ilalim.matagal na nag abang ang lahat sa muling pag ahon.nag iiyak na ang prinsesa at iniisip na naubusan na ng hininga ang binata...ganun din ang ilang mga kaanak at kaibigan ng wala ng lakas na binata.
Anupay maya maya unti unti itong lumutang sa tubig na halos takasan na ng natitirang lakas.marahan nyang itinaas ang isdang napana.
Nooy.wala ng makapalakpak..wala na ang dalak mg mga nanonood sa pagsubok.
Umiiyak na ng umiiyak ang prinsesa..
MAHAL KOoooo.tama na....
umahon ka na...
sige na...nag mamakaawa ako.umahon ka na.
Sigaw ng dalaga,sapagkat napagpad na ang binata sa kalayuan ng dagat.
Nagsalita ang hari.
Binata umahon ka na..sabi ng hari.
Ngunit patuloy pa ring nilangoy ng binata ang huling lawis.dahil wala sa ugali nya ang pagsuko.at upang mapatunayan nya na matapos ang kasunduan.saksi ang buong sabayanan ng isla.
Binagtas nya ang huling lawis,ang pinakamalayong pagitan ng lawis.
Ang lawis ng Salibungot.
Mahinang mahina na ang.pagkpay ng kanyang mga kamay.katiting na rin ang padyak ng mga paa.
Pagod,gutom,uhaw,paninigas nang mga bisig,at kakarampot na hinga ang nararanasan ng binata.
Dapit hapon ..
Narating nya ang Lawis ng Salibungot.
Pagod,sobra sobrang pagod,
Kunting kunting hininga na hindi na nya inakasaya...pamailalim ang binata sa karagatan,na halos wala ng hininga.namlalabo na mga mata,na halos walang maaninag sa ilalim mg karagatan.iniumang nya ang kanyang pana ng me naaninag na anino..
alam nyang isda un..
ngunit tuluyan na syang nawalan ng malay...
Kaibabawan naka abang ang lahat,nag aalala,maging ang hari ay nababalisa..naawa sa anak nyang walang patid ang pag luha.
Luha ng pagdadalamhati sa pinakamamahal.
Ganun din ang mga nakamasid.
May luha ng pagkaawa sa hinihintay na binata.
Ang lahat ay nanalangin na na animoy may delubyong nararanasan.delubyo ng pag alala.
Nag utos ang hari na sisidin na ang binata..
Agad nag sipag talima ang mga kalalakihan.
Sumisid ang ilan,ang ilan ay nasa bamgka at naghahanap din sa kalayuan.
Maya maya pay.may sumigaw
Sa di kalayuan
"ito sya,...ito sya..."
Ansabi ng matandang may bitbit na animoy bangkay nang binata.
Inahon sa dalampasigan ang binata.pilit na binabayo ang dibdib,ng isang sumaklolong nais magbalik ng buhay...tumagal ng minuto ngunit wala pa ring senyales ng buhay...napaluha ang prinsesa sa awa sa binata habang minamasdan nya ang nagaganap na pagsasalba.
Anupay nagbulwak ang tubig sa bibig ng binata.
Nagmulat ang mata.malabo ang paningin,ngunit aninag nya ang sinisinta na mabilis na tumatakbo papalapit sa kanya.niyakap sya ng aninong lumapit.mahigpit.mahipgpit na mahigpit,salamat mahal ko nagbalik ka.nagbalik ka...huhuhu.iyak ng dalaga.
Bumubuka ng bahagya ang labi na animoy may inuusal.mahina,mahinamg mahina halos pabulong itong sumasambit sa dalaga.
Nagwika ang nanghihina ng binata habang binubuka ang palad na may hawak na isda na may tama ng pana sa mata at nagsabing.
MAHAL KO...kahit isang halik,maari ba akong HUMALIK???...aghhhh.
halos malagutan na ng hininga ang pagkakabigkas nito sa minamahal.
Oo mahal ko...Oo.
Tangong tugon ng dalaga na maluha luha.
Pagdakay humalik ang binata...mariin,mariin na mariin.
Halik ng buong pusong pagmamahal.
Napaluha ang lahat sa nasaksihan.
Nasaksihan nila ang wagas na pagmamahal ng binata sa dalaga.
Walang anu anoy...bumitaw ang mga labi ng binata.
Naguluhan ang prinsesa?
nabahala,
napaluha...inalog ang binata,
Inalog ng inalog.
Wala ng buhay ang binata.
Wag...huwag.. huuuuuuwagggggghhh...ahhhhhhhhhuhuhu
Huwag...
Wala ng nagawa ang lahat.
Tuluyan ng binawian ng buhay ang binata.
Lumipas ang panahon.naging mahalagang istorya ang ang pangyayaring yon ng wagas na pagmamahalan sa isla.
Ang katagang
" Mahal ko,kahit isang halik,maari bang Humalik" ?
Ay tumatak sa lahat.
At nagpasya ang hari na pangalan ang isla.
ISLA HUMALIK.
bilang pag ala ala sa kalakasan, katapangan,katapatan sa paninindigan ng isang binatang nagmahal ng higit ang agwat sa katayuan sa kanyang buhay.ang prinsesang pinakamamahal.
Ang isla humalik sa paglipas ng panahon.
Tinawag na itong
Jumalig...na ngayon ay JOMALIG
Ang mala gintong buhangin ng dalampasigan ay nagpapaalala sa ginintuang puso ng binata at sa pag sapit ng dapit hapon ay nagbabago ang kulay nito.
Mala rosas .
Mala rosas na karikitan ng prinsesa.
Manaway maging ehemplo sa inyo ang simpleng kwentong alamat ng aming isla.
Ang ISLA HUMALIK.
Inaanyayahan po namin kayo dito...
"HILIG na sa JOMALIG"