SERBISYO PUBLIKO SA DAGSA NG MGA TAO
πWCSAT, Lasam, Cagayan
Tuwang-tuwa ang ating mga kababayan sa naganap na pamimigay ng food packs mula sa DSWD sa pangunguna ni Cagayan Third Disctrict Cong. Jojo Lara.
Tinatayang humigit-kumulang sa labing-isang daang libong katao (11,000) ang dumalo rito.
Sa ngalan ng Kaakibat Civicom International, Inc., tayo po ay nakibahagi sa crowd control, traffic monitoring, food distribution, convoying at tayo rin po ay nakaantabay sa ano mang emergency at rescue incidents kasama ng Army, PNP, BFP, MDRRMO paramedics team, MHO, DepEd, Natalged Women at iba pang grupo ng mga volunteers upang mas maging banayad at payapa ang takbo ng aktibidad.
Tulong-tulong para sa Lasam. Lahat, bayani. Maraming salamat po!
#ExploreLasam #KaakibatCivicom #NatalgedALasam
β€οΈβ€οΈβ€οΈ #NatalgedaLasam #ExploreLasam #kaakibatcivicom #KaunlaranParaSaLahat
THE RESCUE OF THE LUZON SCOPS OWL
Panoorin!
EMOTIONAL RESCUE AND TURNOVER OF
Luzon Lowland Scops Owl (Kullaaw)
π Brgy. Malinta, Lasam, Cagayan
Isang makabagbag-damdamin ang ating natunghayan sa ating pagsagip at pagsuko sa isang batang Luzon Lowland Scops Owl, isang uri ng "kuwago" na sa isla ng Luzon lamang makikita. Wala ito sa Visayas pati sa Mindanao at hindi rin ito makikita sa alin mang panig ng mundo.
Mahalaga ang papel ngvmga "kuwago" sa kalikasan dahil pinapanatili nila ang kalusugan ng ating mga ekosistema at kagubatan dahil sa ambag nila sa ecological balance at food chain.
Kung may kaparehong kaso ukol sa mga wild at endangered animals, maaaring kontakin ang aming grupo (Explore Lasam, Kaakibat Biodiversity Watch) o tumungo sa pinakamalapit na Barangay at tutulungan namin kayong ipagbigay-alam ito sa MENRO/DENR para sa tamang proseso.
Maraming salamat po!
#ExploreLasam #Biodiversity #LuzonScopsOwl #KaakibatBiodiversityWatch #KBWLasam
PERU FALLS AND BIODIVERSITY
Confirmed:
PERU FALLS, THE HIGHEST WATERFALLS IN LASAM
(Ecosystem and biodiversity mapping with guest explorer Ms. Ivana Alawi of Lasam)
π Peru, Lasam, Cagayan
Peru has the third largest rainforest in Lasam and is also the third largest in terms of land area next only to Sicalao and Viga. Altogether, they form the PESIVICA (including Cabatacan Areas), an area of thick, primary tropical rainforest that is the center of biodiversity conservation and protection in the entire municipality.
This critical rainforest is part of the Cordillera mountains transbordering with the 2024 recently-declared UNESCO Biosphere Reserve province of Apayao. That means, we share the richness of their rainforests including as well the territories of the Philippine eagles found in Apayao that may overlap with our skies!
Protect our forests and we may see the Philippine eagles!
Photos:
https://www.facebook.com/share/p/NPn1VNAcVb2nwDrh/?mibextid=oFDknk
#KBWLasam #ExploreLasam #PeruLasam #PESIVICA #IntoTheWildSeries #Biodiversity #PeruFalls #KaakibatBiodiversityWatch #EndlessFunCagayan #VisitCagayanPH #chasingwaterfalls #racetohundr3dfalls 89thfalls
BORN TO BE WILD GMA 7
Panayam mula sa
πππ π - ππππ ππ ππ ππππ
(Preliminary Interview)
WOW SICALAO!
Naging interested naman ang BORN TO BE WILD Television Series ng GMA 7 sa ating bayan dahil sa ating mga paksang pangkalikasan.
Malaking bagay na ito, na napansin ang taglay na yaman ng kalikasan at biodiversity ng ating bayan.
Abangan...
#ExploreLasam #SaveSicalao #Biodiversity #IntoTheWildSeries #TropicalRainforest #BornToBeWild #KBWLasam #KaakibatBiodiversityWatch
SAVING THE LUZON SCOPS OWL
Saving the Luzon Lowland Scops Owl:
DAGITI KULLAAW ITI SICALAO
(Ang Mga Kuwago Sa Sicalao)
Napakahalaga ng papel ng Luzon scops owl (Genus Otus) sa kalikasan ng Pilipinas, partikular sa isla ng Luzon. Ito ay isang uri ng predatory bird (raptor) na tumutulong sa pagkontrol ng populasyon ng mga rodents o mga mapaminsalang daga, mga ahas, iba pang peste o maliliit na hayop, na nakakatulong sa pagpapanatili ng balanse sa ecosystem (ecological balance).
Bukod dito, ang presence ng Luzon scops owl ay indikasyon ng isang malusog na kagubatan dahil ang mga owls o "kuwago" ay sensitibo sa mga pagbabago sa kanilang kapaligiran.
Mahalaga ang kanilang pangangalaga at proteksyon para sa pagpapanatili ng biodiversity at integridad ng kanilang tirahan lalong lalo na sa mga natitira pang kagubatan ng Sicalao, Viga, Peru at Cabatacan.
Huwag po natin silang hulihin, ibenta o patayin.
#ExploreLasam #KBWLasam #Biodiversity #KaakibatBiodiversityWatch #IntoTheWildSeries #LuzonScopsOwl #SaveSicalao #SicalaoLasam
SAVING LASAM BIODIVERSITY
SAVING THE BIODIVERSITY OF LASAM
[TRIGGER WARNING]: May contain disturbing scenes and photos. Discretion is advised.
The Kaakibat Biodiversity Watch (KBW) is the environmental conservation watch group of the
Kaakibat Civicom International Incorporated - Lasam Chapter (KCIL-141). The pressing
necessity for a community-driven initiative to monitor, watch, conserve and protect critical
biodiversity and habitats in the municipality of Lasam paved the way for the establishment of
KBW on July 10, 2024 by key members of the KCIL-141 trained under WEO and DENRO
programs of the DENR for the implementation and policy support of RA 9147, known as the
Wildlife Resources Conservation and Protection Act of the Philippines.
In essence, KBW is not merely a watch group; it is a testament to the power of volunteerism and
dedication in preserving our natural heritage for the future generation to enjoy, serving as the
pioneering entity - the very first of its kind in the municipality of Lasam, Cagayan.
MISSION
To prevent, stop or mitigate biodiversity loss in the municipality of Lasam and adjoining
communities by informing, educating and involving the local community in conservation efforts
and through collaboration with the local government, agencies and other conservation groups in
safeguarding, preserving and sustaining the environment in its entirety.
VISION
To see the local communities, municipalities and ultimately the planet teeming with wildlife and
flourishing habitats as a result of our influence and impact leading to the proactive involvement
of the local and indigenous leadership in our conservation endeavors.
Join us today. We just don't watch. We just don't hike. We conserve and protect.
Notice:
All animals in distress appearing in the video were documented first-hand in Lasam, Cagayan. These are actual photos and experience.
Photos:
https://www.facebook.com/share/p/k345DpNj9RGttD6y/?mibextid=oFDknk
#KBWLasam #ExploreLasam #SaveSicalao #KaakibatBiodiversityWatch
TULONG SA NASUNUGAN
TULONG SA NASUNUGAN
π Abariongan Uneg, Santo NiΓ±o, Cagayan
Kalunos-lunos po ang sinapit ng isang tahanan sa Abariongan Uneg matapos itong masunog at maabo noong nakaraang linggo nitong Hulyo 2024.
Ang may-ari ng bahay ay si Aling Evelyn Reyes, 33 taong gulang, may LIMANG anak at kamamatay lamang ng kanyang asawa sa isang aksidente sa kalsada nitong Mayo lamang. Siya ay nangangailangan pa ng karagdagang tulong upang maitayong muli ang kanilang tahanan.
"Hindi ko po alam kung paano ko po ulit ibabangon ang nasira kong tahanan", ayon pa sa kanya.
Si Aling Evelyn ay kasalukuyang walang mainam na trabaho at tanging ang paglalabada at pakikitanim ng mais ang kaniyang ipinambubuhay sa kanyang mga supling.
Tulungan po natin silang makabangon muli!
SPECIAL THANKS TO THE GIVERS:
Melanie Galapon Sumaoang
Maria De Belen Dizon
Ipi & Shali CariΓ±o Store
Melody Castillo Dizon
Jonard Vergara Sumaoang
Winalyn Riparip
Novelyn Martin
SP Pacursa Gas
Elmer Ruby Biag
Evangeline Donato
Para sa mga tulong sa aming mga aktibidades, pindutin ang hashtag na: #ExploreLasamCommunityOutreach #ExploreLasam
TAGIPURO ISLAND
TAGIPURO ISLAND
π Dilam, Calayan Island, Cagayan
Maps: https://maps.app.goo.gl/KuC1aqkTxdKvD1Wu6
"THE ISLAND THAT DISAPPEARS AND REAPPEARS"
Some islands appear during low tide and disappear when high tide comes. But the magic of Tagipuro Islet in Dilam is exactly the OPPOSITE. It disappears during low tide and reappears during high tide.
How come? Watch.
#TagipuroIsland #CalayanCagayan #DilamCalayan #Dilam #EndlessFunCagayan #VisitCagayanPH #Cagayan #CagayanProvince #Calayan Calayan Island Adventure Calayan Travel and Tours #CalayanIsland #TWOrismoSaLambak #Tagipuro
ROLLER FUN PARK LASAM, CAGAYAN
ROLLER FUN PARK & SNACK ARCADE
π Nabannagan West, Lasam, Cagayan
A skating rink for all ages, the first of its kind in Lasam!
As a low impact exercise, skating does not only promote cardiovascular health. It also promotes joint flexibility, mobility and endurance.
More importantly, this sport keeps kids out of over-dependence to gadgets, boredom, substance abuse and being introverted and aloof.
Let's exercise! Mind and body!
Photos: https://www.facebook.com/share/p/it7Sp7EazUUUnQSW/?mibextid=oFDknk
#ExploreLasam #NatalgedALasam #LasamCagayan #EndlessFunCagayan #NabannaganWest
ABULUG MUNICIPAL HALL
ANG MUNISIPIO NA PARANG 5-STAR HOTEL
πAbulug, Cagayan
Photos:
https://www.facebook.com/share/p/9b7Wqg6wD6Hvc7gL/?mibextid=oFDknk
Did you know that in 2020, according to the data from the Cities and Municipalities Competitive Index Regional Development Council (CMCI RDC -2), the municipality of Abulug has 35 buses, 100 vans, 30 jeepneys and 554 tricycles!
Kaya walang rason na hindi ka makakapunta dito sa tinaguriang "Nipa Haven of the North"!
#ExploreCagayan #AbulugCagayan #Abulug #VisitCagayanPH #EndlessFunCagayan #Cagayan #CagayanProvince #TworismoSaLambak
Fighting a pack of wolves on the road.
LASAM RIDERS
LASAM RIDER'S CLUB
"Ride With A Purpose, Ride With A Cause"
Iba man ang grupo mo, iba man ang uniporme mo, iba man ang pook mo, iisa ang ating adhikain: ang magpasaya ng mga bata.
Lahat tayo ay bida. Walang kalaban. Dahil ang tunay na riders, sa kalsada'y nagdadamayan, hindi nagbabanggaan!
#LasamRiders #NatalgedALasam
With photos from Jurado Studios
GATHERING HONEY IN THE WILD
HOW TO GATHER HONEY?
Ganito pala kung paano kumuha ng "diro" or honey (pulot-pukyutan) sa kagubatan ng Cagayan...
Kaya huwag nating putulin ang mga punongkahoy sa mga kagubatan dahil dito nakatira ang mga honey bees.
Click the screen for full view.
#VisitCagayanPH #EndlessFunCagayan #TropicalRainforest #IntoTheWildSeries #TheGreatOutdoors #HoneyBee #Biodiversity
BATTALAN VS. CENTRO DOS FINALS GAME 2
2-0!
BATTALAN KAMPEON SA DANDEX CUP 2024 SA MULING PAGMALTRATO SA CENTRO DOS
Walang awang inabuso ng Battalan Warriors ang desididong tumabla sanang Centro Dos nang muling bugbugin ng una ang huli sa Game 2 Finals ng Dandex Cup kagabi June 6, 2024 sa siksikang Natalged Arena tungo sa 75-57 tambakol na tagumpay.
Sa mga unang minuto ng First Quarter nalasap ng Centro Dos ang linamnam ng kalamangan sa score na 4-0 dala ng bugso ng damdaming nais bumawi sa Battalan upang itabla ang serye sa 1-1 kartada. Ngunit sa pagtatapos ng unang yugto, ninakaw ng Warriors ang bentaheng 20-12 upang di na masilayan pang muli ng tropang Centro ang liwanag ng kalamangan.
Binalot naman sa kumot ng malas ang Centro Dos nang mainjury papasok ng Second Quarter ang kanilang captain ball at sentro na si Jerome Domingo dahilan upang mag-araro ng lupa sa loob ang twin-mamaw ng Battalan na sina Guiang at Tabur.
Ngunit nagpakitang gilas sa mga cuteness at magagandang dalaga ang star player ng Centro Dos na si Babalo sa kanyang 6 straight points kaya naman naibaba sa delikadong anim na puntos ang bentahe ng Battalan sa pagtiklop ng First Half.
Simula pa't sapul ay sumentro na ang opensa ng Dos kay Babalo at Navarro na nasilip naman ng Battalan, rason upang selyohan ng mga big men ng Warriors ang dalawa sa kabuuan ng ball game na kumutsino sa opensa ng una.
Sa pagkambio ng Last Quarter, lalo pang lumaki ang tyansa ng tropang Centro na magbakasyon sa ilalim ng tulay ng Sicalao nang buhusan sila ng Warriors ng kumukulong tres nina Valeriano at Corpuz.
Patuloy na kumayod sa maputik na ilalim sila Babalo, Ortiz at Navarro upang iwasan ang nasabing ilalim ng tulay kaya naman nailapit pa nila sa limang puntos ang deficit may pitong minuto pa sa Final canto.
Ngunit isang counted na may kasama pang foul ang nabingwit ni Guiang sa loob upang ilayo ang kanyang koponan sa nagbabadyang gulpe de gulat ng Centro Dos. Nanlisik naman ang mga umaapoy na mata ni Babalo sa referee at umusok pa ang ilong nito
BATTALAN VS. CENTRO 2 FINALS GAME 1
DANDEX CUP 2024 (GAME 1 FINALS)
BATTALAN GINULPI ANG CENTRO DOS, PUSLIT ANG 1-0 KARTADA
Minaltrato ng Battalan Warriors ang crowd-favorite na Centro Dos sa kanilang unang salpukan ng Dandex Cup 2024 Finals sa loob ng dumadagundong na Natalged Arena tampok ang 85-62 pagkastigo ng una sa huli kahapon, June 5, 2024.
Hindi nagpatinag sa mga unang yugto ng laro ang triple alas ng Battalan na sila Valeriano, Guiang at Lista na nagtulong tulong upang lapastanganin ang Centro Dos tungo sa First Half sa score na 42-30.
Nakatulong rin sa depensa ang mala-Asi Taulava ng Battalan na si Sangguyo dahilan upang pumektus o kumamblos ang mga salaksak nila Babalo, Cortez, Navarro at Domingo sa kinapitan ng malas na ring ng Centro Dos. Tuluyan pang sumadsad sa 66-47 malagkit na putikan ang Centro sa pagtunaw ng Third Quarter canto.
Desididong kumawala sa bingit ng bakasyon sa napakasikat na Sicalao Abot ang tropang Centro sa paglunsad ng huling birada ng salpukan kaya naman naibaba ni Navarro sa 9 puntos ang deficit sa pamamagitan ng kanyang kagila-gilalas na Euro step lay-up. Ngunit pumulandit si #11 Curry Valeriano ng isang tres upang maibalik sa double digit ang kalamangan ng Battalan Warriors na dumurog sa mga pusong sawi ng mga naggagandahan at cute na mga dalagang fans ng Centro Dos.
May limang minuto pa ang nalalabi sa 4th quarter nang nagkainitan si Corpuz ng Battalan at Navarro ng Centro Dos matapos maibuslo ng una ang isang fast break lay up mula sa isang long pass ni Valeriano. Kumulo ang dugo ni Navarro nang iflex ni Corpuz ang kanyang dibdib at abs matapos ang basket nito kaya naman bininyagan ni Navarro si Corpuz ng isang pasimpleng poknat na headbutt na makikita rin sa video. Umayuda rin para sa Centro Dos si number 24 nang kanyang komprontahin si Corpuz at tila gustong idikit nito ang kanyang pawisang ilong sa ilong rin ng katunggali na lalong nagpaatikabo sa bakbakang punong puno ng aksiyon.
Nilunod ng kantiawan at alingawngaw ang loob ng arena sa tagpong hi
BULUSAN VOLCANO NATURAL PARK
BULUSAN VOLCANO NATURAL PARK
π Bulusan, Sorsogon, Philippines
(Starring the great Sicalao Tour Guide Mark James Rodillas-Reyes Tipon-Galamay of Lasam, Cagayan, Philippines)
Arguably one of the most, if not the most prominent tourist spot in Sorsogon, the Natural Park features the volcano itself, its two peaks and its three lakes, including Lake Bulusan, the largest and most beautiful of them all.
Bulusan in Bicol means "the place where water flows". In Ilocano, "bulusan" means "to let go of something" (such as water, emotion, or an animal in a cage).
Visit the "beautiful Sorsogon, where beauty is everywhere!"
#Sorsogon #BulusanLake #MountBulusan #ExcitingBicol #BulusanVolcanoNaturalPark #LakeBulusan #TheGreatOutdoors #IntoTheWildSeries
KANNAWAY CAVE
KANNAWAY CAVE
π Dilam, Calayan Island, Cagayan
One of the three sea caves found in the stunning island of Calayan, Cagayan.
Unlike the two other caves (Lussok and Malangsi), the Kannaway Cave is made up from ancient coral upheavals many millennia ago.
Tapusin ang video.
Photos:
https://www.facebook.com/share/p/spCjG1YpaLQgVJzc/?mibextid=oFDknk
#VisitCagayanPH #EndlessFunCagayan #Cagayan #CagayanProvince #Calayan #CalayanIsland #TworismoSaLambak #LoveThePhilippines #Babuyanes #KannawayCave #DilamCalayam #Dilam Calayan Travel and Tours Calayaners Calayan Island