21/06/2024
"All remaining Official Receipts can be used, until fully consumed. Inventory reports and notices can be submitted through email. The BIR is committed to making the transition to EOPT as convenient to taxpayers as possible. Comments and suggestions on the different services provided by the BIR and its implementation of the EOPT are welcome" --Commissioner Romeo D. Lumagui
Maari pa ring gamitin ang mga natitirang Official Receipts (OR) hanggang maubos ang mga ito, kahit lumagpas pa ng December 31, 2024. Ang mga Inventory Reports o Notice na kailangan sa transitory provitions ng Revenue Regulation No. 7-2024 ay maari na pong ipasa sa email. Ang mga pagbabago na ito ay alinsunod po sa Revenue Regulation No. 11-2024 at Revenue Memorandum Circular No. 66-2024 na may layunin na mas padaliin ang paglilipat sa bagong sistema na buhat ng Ease of Paying Taxes Act.
Sinisikap ng BIR na padaliin at pasimplehin ang iba't-ibang mga regulations, sistema, at mga proseso mula ng maisabatas ang EOPT. Kasabay nito ay ang ating walang sawang pagpapayaman ng kaalaman ng mga taxpayers sa pamamagitan ng mga EOPT Roadshows. Dumayo na po ang mga lider ng BIR sa Metro Manila, Cebu, Davao, Koronadal, at Pangasinan para makapagbahagi ng kaalaman sa mga taxpayers. Dumagsa ang libu-libong mga taxpayers, tax practitioners, at mga negosyante para maging updated sa EOPT.
Tuloy-tuloy po nating lilibutin ang iba't-ibang mga bayan para makapagdaos ng EOPT Roadshow, ito po ay bahagi ng ating programa para sa taxpayer education.