24/11/2023
Mundong Paraiso
Itong aking maikling tula
Ay aking alay sa isang binata
Na nag akala na siya'y pag kakasala
Sa kadahilanang di niya nagawa ang tama
Minsan iniisip natin ang mali
Kaya ito nagiging ugali
Naka hukot at naka ngisi
Kahit malungkot sa pag sisisi
Di nag atubiling mag tapat
Kahit alam niya ang naka akibat
Lungkot, sakit, kirot, at sugat
Nakikita lang niya itong lahat
Kahit ganoon
Siya'y nakatuon
Sa darating na panahon
Kung saan ligaya ang naroroon
Salamat sa kwento mo
Natuto ako
Sa dinami rami ng mga karanasan ko
Diko akalaing may mas bigay na sugat ang inilihim mo
Mag pahinga ka
Sana ay namamahinga kana
Sana pagod mo ay wala na
Hanggang sa muli binata
Taas noo
Pag susumukapan ko
Na kahit pagdurusa ang nasa harapan ko
Magiging kagaya ko ang Isang gaya mo
Binata Masaya Ako
Para sayo
Mag pahinga kana sa Mundo
Sa Mundong paraiso