07/05/2022
IBA'T-IBANG KLASE NG INQUIRIES😂😁💸
🤔Si TANUNGERA - Yung tipong tanung ng tanong tapos ako naman ‘tong sagut ng sagot , Inumaga na ako kasasagaot sa kanyang inquiries tapos biglang hanggang tanong lang pala 😂Magtatanong ka pa ba? 😁 Jusmio, eyebag lang ang aking kinita , ang seklep diba? 😅
😮Si RESERBA - Yung tipong magpapa-reserve ng SLOTS, demanding pa sa location ng pick up point, lahat ng detalye sa itinerary inusisa, tapos “wait po mag uusap kami ng bf/gf ko “. 😂 yung reserba mo, nakatengga.😁 Ano kaya ginawa nilang usap at lumipas na ang minuto, oras, araw, linggo, buwan,hanggang reserba na lang talaga? Hanyare? Anong usap 😃
🙄Si PAASA – Kamag anak ng Tanungera, maghapon mo inintertain, inumaga kabibigay ng murang rate, lahat ng sulok ng Pilipinas gusto puntahan, ng okay na sa budget nya sasabihin “ ay Hongkong na lang” ako naman sunod ng sunod sa hilig kahit alam ko na masyado syang maligalig at natapos ang isang buwang kai inquire at follow-up kung san ba nya talaga gusto pumunta sabay sabing “ nag book na byenan ko eh” . (Sige tawa kayo haha,) kaya naman sinabayan ko na lang ng kanta si PAASA “ at wag na wag ka nang magbabaliiiiikkkk” . Susme kung sinabayan ko ng pagtitinda ng balut ang pagpupuyat ko para asikasuhin sya disin sanay balutera na rin ako ngayon. Baluuuutt!!!
😜Si TAWADERA - Heto yung klase ng INQUIRIES na abangan ko daw ang mga seat sale, Abang naman ako ng abang, up-date naman ako sa kanila ng update pag may seat sale , mahal pa daw di pa abot ng budget. Abang pa more daw ako mag lo lower pa din daw ang fare (hmmm, siguro may ari to ng eroplano ) tawaran ko daw , Jusmio !, walang ka class class tatawaran ko si PAL, Cebu Pacific , Air Asia, Royal Air, - Ginawa pa akong Divisoria…. Pasok mga suki , Pak Ganern ! … hala sige sumabit ka na lang sa pakpak ng eroplano , 😂
🤨Si DUDA - Sila yung uri ng INQUIRIES na, maduda. 😂 Yung tipong deretsahang tatanungin ka ng “ legit ka ba? ” ‘ Nak ng teteng, nakaka offend un huh…. Meron pang nag reply sa mismong post ko na “ true ba yan?” Of course, golf course, legit, truleley at maghanap ka ng proof na hindi! 😁
😏Si REKLAMADORA - Heto yung INQUIRIES na reklamo ng reklamo, tapos aawayin ka pa. Pinaliwanagan mo na nga gusto pa ipa-Barangay ka. 😂MARYOSEP SANTISIMA! Huwag ganern besh, hindi naman ako masamang tao, mabait kaya ako? 😜 Gusto mo suntukan pa tayo! 😁
😛Si SARADO NA SI BANK - Heto yung INQUIRIES na akala mo okay na, okay sa kanya ang rate ng airfare, nahanapan mo na ng oras na gusto nya, nag send na rin ng copy ng kanyang ID para kako di tayo magkamali sa spelling ng name , heto na at kailangan na nyang magbayad sa ticket , sabay sabing “ Sarado na po si Palawan “ sabay bigay mo naman ng BDO Account mo kasi hanggng 7pm naman ang BDO sa mall , malayo daw si BDO di nya aabutin, hala sige may 7-11 ba dyan sa inyo , meron daw , okay pay ka sa GCASH…oh huh! Ano pang excuse mo….. Wait daw…. Ayun nakatulog ako sa pagkakaupo sa harap ni lappy, tl na tl pa nga kaiintay, umaga na!! , saang 7-11 kaya sya nag punta ? sa Mars?
-----*---*---*---
Most of the listed above ay personal experiences ko and the others ay copy paste lang from the other fb post kaya batu-bato sa langit tamaan ay wag magagalit.
I just wanna share na mahirap pala ang trabaho ng Travel Agent . Dapat may malaking baun baong napakalaking PASENSYA at sobrang habang TYAGA pero yung HAPPINESS to serve ay di matatawaran na reward , ang INTERACTION namin sa iba’t ibang tao, they manage to shift my smile into a bursting laughter kaya ang saya saya kahit pa zero booking madalas , this also gives me the OPPORTUNITY to expand my circle of friends, now I have friends from Luzon, Visayas, Mindano and overseas and that is AWESOME , in this business we have unlimited learnings na di mananakaw ninuman but higit sa lahat the POSSIBILITY of course if GOD permit to prosper FINANCIALLY. So, if anyone has this “knock” for Travel and Tours , I am willing to Mentor you one day.
Happy Trip !