11/02/2023
𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗤𝗨𝗘𝗡𝗢 𝗔𝗧 𝗢𝗨𝗧𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗫𝗣𝗔𝗬𝗘𝗥𝗦. 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝟮𝟱𝗧𝗛 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗤𝗨𝗘 𝗖𝗜𝗧𝗬𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬
Ngayong Ika-25 taong selebrasyon ng pagiging Cityhood ng ating lungsod, naganap noong Biyernes ng gabi, Pebrero 10, 2023 ang Gawad Parangal 2023 sa East Ocean Palace, Aseana City, lungsod ng Parañaque sa ganap na 5 ng hapon. Ito'y pangungunahan ni Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez, Parañaque First Lady Aileen Claire Olivarez, Mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, Mga Punong barangay, Special Services Office Head Ms. Majel Co, Parañaque Tourism Head Mr. Mel Alipo-on at ang mga pinuno ng bawat departamento sa pamahalaang lungsod ng Parañaque. Isa lamang ito sa napakaraming programa para sa selebrasyon ng ika-25 taong anibersaryo ng pagiging lungsod ng bayan Parañaque, asahang sunod sunod na aktibidad at programa ang hatid ng pamahalaang lungsod ng Parañaque sa ating lahat. Ito'y sa pangunguna ni Parañaque Mayor Eric L. Olivarez, Parañaque First Lady Aileen Claire Olivarez at sa lahat ng bumubuo ng Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division sa pangunguna ni Parañaque Tourism Division Head Mr. Mel Alipo-on.
Maligayang 25th Cityhood Anniversary, lungsod ng Parañaque!