22/10/2019
JANUARIO GALUT: Sino nga ba siya sa likod ng labanang Pasong Tirad?
Ni: Van Jasper Balonzo Biado
Sa mga napakaraming bulyom at bersyon ng mga libro ukol sa kasaysayan ng Pilipinas na nalimbag at mga pelikulang isinabuhay kagaya na lamang ng El Presidente ni Emilio Aguinaldo at ang bagong pelikulang inilabas lang ngayon Setyembre 5 sa mga sinehan na GOYO: Ang Batang Heneral ay lumabas na tila isang traydor at Igorot ang imahe ni Januario Galut. Ngunit sino nga ba si Januario Galut sa likod ng labanang Pasong Tirad? Totoo nga bang siya ay isang traydor na nagresulta ng pagkabigo ng labanan sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899? Alamin na tin!
Sa pagbabasa ko ng ilang mga limbag na aklat na may kinalaman sa labanang Pasong Tirad, naging palaisipan sa akin ang hindi pagkakatugma ng pagkatao ni Januario Galut. Maraming mga taong naniniwala na siya ay naninirahan sa Angaki (ngayon ay Quirino) partikular na sa Saoil ( dating Poblacion at sentro ng bayan ng Angaki) kung saan ang mga ibang residente na nakatira sa lugar na iyon ay ka-apelyedo niya. Sa ngayon, marami na ring mga Galut sa Iteb, Lamag at iba pang parte ng Quirino, Ilocos Sur (Angaki) kung saan karamihan sa kanila ay tubong Saoil.
Ngunit base sa isang panayam kay Jose Prudencio Galut, sinabi niya na si Juanario Galut (binigkas niya ng ganito imbes na Januario) na hindi nila ninuno kundi magkaapelyedo lamang sila.
Ayon sa kanya at sa kuwento ng kaniyang kalolololohan niya, ang malinaw ay hindi taga-Saoil ang isang Juanario Galut na may alyas na " Ayyung" at kailanman hindi siya isang Igorot. Hindi Malaman kung anong munisipyo talaga siya nagmula pero ang haka-haka nila ay taga-Concepcion (ngayon ay Gregorio Del Pilar) siya dahil dito natagpuan ng mga Amerikano si Juanario Galut na naglalaga ng basket. Doon nagtanong ang mga Amerikano kung saan ang malapit na daan patungo sa taas ng Pasong Tirad. Dahil sa kaugalian nating mga Pilipino na "hospitable" kaya sinagot niya ang kanilang tanong dahil nakakaintindi siya ng kunting Ingles. Hindi niya alam kung bakit nila tinatanong ang daanan at kung ano ang nangyayari sa pagitan ng bakbakang Pilipino kontra sa mga Amerikano.
Sinabi naman ni Rev. Fr. Stephen de Dapper, isang pari na nagsabi kay Prudencio Galut noong naging Parish Secretary siya na si Juanario Galut ang nagbigay sa lote na kinatitirikan ngayon ng Saint Agnes School sa may Cervantes, Ilocos Sur.
Ang isa pang bersyon ng mga matatanda tungkol sa labanan ng Pasong Tirad ay hindi si Januario Galut ang nagturo sa daan patungo sa tuktok kundi si Juan Almarez alyas "Manabeng" na taga-Sigay, Ilocos Sur. Sabi nila na naging interpreter lamang si Januario Galut dahil nakakaunawa at nakakapagsalita siya ng kunting Ingles dahil hindi alam ni Almarez ang mag-Ingles. Dagdag pa nila na si Almarez din ang kumuha at naglibing sa bangkay ni Heneral Gregorio Del Pilar na nahulog sa bangin matapos siyang mabaril. Siya rin ang nagturo sa mga kamag-anak at humukay sa bangkay nito dahil siya rin naman ang nakakaalam nito.
Sa bersyon naman ni Lakay Arsenio Galangco na naninirahan din sa Saoil sa isang panayam noong Nobyembre 22, 2010 (80 taong gulang siya noon) tungkol sa kung taga saan si Januario Galut. Sinabi niya na sa buong buhay niya ay wala siyang narinig na Januario Galut sa buong buhay niya na nasangkot sa labanan sa Pasong Tirad at sinabi niya rin na hindi Igorot si Galut bagkus isang low lander na naninirahan sa Candon at Del Pilar kung saan dito siya nasalubong ng mga Amerikano na naghahabi ng basket.
Dagdag naman ni Leonardo Alaos (63 taong gulang noon) isang matandang nanggaling sa Concepcion, Ilocos Sur ( Gregorio del Pilar ngayon) na naninirahan sa Middle Quirino Hill, Lungsod ng Baguio na kinapanayam nila noong Nobyembre 30, 2010, kinompirma niya na siya ay taga-Del Pilar nga ang Januario Galut.
Sa paniniwala naman ni Arthur Alos, 38 taong gulang noon na taga-Del Pilar din, sinabi niya na sa kanilang high school days ay kinilala si Januario Galut na taga-Mabatano,Gregorio Del Pilar (Concepcion), Ilocos Sur.
Hindi man malinaw kung saan siya nagmula, malinaw naman na hindi siya isang Igorot at naging isang interpreter lamang siya ni Juan Almarez sa mga Amerikano.
Sa tagal ng panahon, ngayon ay malinaw ang naging parte niya sa tungkol sa Pasong Tirad. Isyu na naging dahilan na girian at debate sa pagitan ng Ilokano at Igorot. Isang natagong istorya sa kasaysayan ng Pilipinas sa napakaraming dekada at siglo na dapat bigyang linaw at malaman ng karamihang mamamayang Pilipino.
At sa kalalabas lamang na pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral ay sa wakas hindi siya pinagsuot ng bahag ngunit ipinamukha pa rin sa kanya na siya ay isang traydor na dapat ay hindi sana.
Sanggunian:
Lonogan, O.L., Balas-iyan)