23/04/2021
NOON, labing-tatlong taon na natengga ang Bicol Intenational Airport (BIA). Ang pre-feasbility study nito ay sinimulan pa noong 1996, samantalang naibigay naman ang Notice to Proceed nito noon pang 2003.
Tatlong beses itong nagkaroon ng groundbreaking ceremony sa loob ng 13 taon bago ang June 2016, ngunit walang anumang konstruksyon ang nasimulan.
Nang masimulan ang Build Build Build Program ng administrasyong Duterte noong 2016, sa kabutihang palad ay umusad na rin ang natenggang Bicol International Airport Project.
Upang mapabilis ang pagtatapos ng proyekto, ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na gawing 24/7 ang konstruksyon sa Bicol Airport, na naging daan sa walang-tigil na pag-arangkada ng progreso nito.
NGAYON, nasa 79.74 overall progress rate na ang konstruksyon ng Bicol International Airport, na tinaguriang, "The Country’s Most Scenic Gateway”.
Ang BIA project ay nahahati sa dalawang (2) construction package: Ang Package 2A, na sakop ang paggawa ng mga landside facilities, air traffic control building, crash fire building, at maintenance building, ay kasalukuyang nasa 93.71%; Habang ang Package 2B, na sakop ang paggawa ng Passenger Terminal Building (PTB), taxiway, runway extension, at iba pang site development, ay nasa 64.61% complete na.
NGAYON, unti-unti na nating nasisilayan ang nalalapit na completion ng isa sa pinaka-aabangang "BUILD, BUILD, BUILD" projects ng DOTr, sa ilalim ng Duterte Administration.
Dahil dito, inaasahang makatutulong ang pagbubukas ng BIA sa pagpapalago ng ekonomiya at papaglawig ng turismo sa rehiyon ng Bicol.
Makatutulong din ang proyekto sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga Bikolano.
Sa katunayan, mayroong 755 na construction workers ang nabigyan ng trabaho sa pagtatayo ng paliparan sa gitna ng pandemya. Samantala, oras na magbukas na ang paliparan, inaasahang aabot sa 1,100 na trabaho ang bubuksan nito para sa ating mga kababayan. Ang mga trabahong handog ng paliparang ito sa ilalim ng DOTr ay naglalayong matulungan ang mga Bicolano na magkaroon ng kita para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ayon nga kay Secretary Art Tugade— ANG BUILD BUILD BUILD AY HINDI LAMANG PANG-IMPRASTRAKTURA. NAGDADALA RIN ITO NG KABUHAYAN PARA SA TAO, AT PARA SA BAYAN.
HARANIHON NA!
🇵🇭