23/03/2024
Behind Fake News is Clickbait!
Make it Right!
Behind Fake News is Clickbait!
Behind Fake News is Propaganda!
Good News! Alam mo bang hindi na natin proproblemahin ang ating Exam kung sakaling hindi tayo makakapagbayad sa ating matrikula!
Alamin ang nasalikod ng napakagandang batas na ito!
Salamat KABATAAN PARTYLIST
Para sa ilan pang detalye:https://hrep-website.s3.ap-southeast-1.amazonaws.com/legisdocs/basic_19/HB01160.pdf
Retired nga ba? FAKE NEWS KA NA NAMAN, 'TAY!
TOTOO BANG PEKE ANG BOSES NG BAYAN - ANNUALREPORT 2024 JOB PERFORMANCE RATING?
Fake News!
Ano ang kwento sa likod ng Hermano Fiesta sa bayan?
Huwag nating gamiting at siraan ang simbahang katolika sa pamumulitika.
Sampaguita? ginaya nga ba o Fake News at paninira lang?
Hindi totoong ginaya ang Sampaguita ni Mayor Art Mercado. Sa katunayan isa sa mga pangunahing programa ng Pamahalaang Lungsod simula nang maupo si Mayor Art ay ang panunumbalik at pagpapalago ng industriya ng Sampaguita sa ating Lungsod.
Ang tanong ng marami, bakit kailangan pang gawan ng issue ang bawat proyektong isinasagawa kung para naman ito sa ikabubuti ng bawat San Pedrense.
Tandaan, Mag-ingat sa mga manloloko at huwag magpapabudol.
MAHALAGANG ANUNSYO
Antayin ang kumpirmasyon at opisyal na pahayg ng mga awtoridad patungkol sa kumalat na issue patungkol sa Bomb Threat.
Pinapayuhan natin ang lahat na umiwas sa pagpost at share ng mga unverified sources na kumakalat sa social media.
Ang pagkakalat ng Bomb threat at pagbibiro ng terrorist attack ay HINDI BIRO at maaring mauwi sa matinding pagkaabala, pagkatakot at pangamba. Ito ay may kaakibat na parusa na maaring magdulot ng pagkakakulong sa isang taong gumawa nito.
Ang Presidential Decree No. 1727, otherwise known as the anti-bomb joke law penalizes the malicious dissemination of false information of the willful making of any threat concerning bombs, explosives or any similar device or means of destruction and imposing penalties.
Pinapayuhan ang lahat na maging mapanuri at salksiking mabuti ang katotohanan bago ikalat sa mamamayan.
HINDI TOTOONG NAGSARA ANG JOLLIBEE SAN PEDRO TOWN CENTER!
Noong mga nakaraang buwan ay kumalat sa Social Media ang isang Fake News na nagsasabing isasara na ang Jollibee San Pedro Town Center.
Ayon sa aming pakikipag-ugnayan tuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko ng Jollibee at wala 'di umanong problema sa kanilang araw-araw na operasyon.
Kaugnay nito, nagpaskil ng pahayag ang Jollibee sa kanilang Store upang pabulaanan ang kumakalat na Fake News.
POLITICAL DRAMA NI YNION AT DUMMY ACCOUNT, BISTADO.
Tila hindi umubra ang naratibong nais ipakita ng dummy account na pumapabor kina Ynion at Matibag. Kanina ay muli nanaman itong naghasik ng kasinungalingan upang manipulahin ang utak ng mga San Pedrense.
Marami ang nakapansin sa post ng isang dummy account na nagsend DAW di umano ng mensahe si Ynion sa kanya. Klarong makikita sa screenshot ng kanyang post na hindi galing kay Ynion ang mensahe.
Mabilis itong napansin ng karamihan kung kaya maagang napabulaanan ang kanyang kasinungalingan.
Matatandaang kamakailan ay nabulilyaso rin ang koneksyon ng dummy account na ito kina Ynion at Matibag dahil sa pagsusuri na ating ginawa. Ang kanyang kaugnayan sa mga nabanggit na panagalan ay napuna base sa timeline ng kanyang mga post simula 2015.
Sa kanyang post kanina ay pangita ang intensyon nito na pagmukhaing walang kinikilingan ang kanyang amo sa pamamagitan ng pagtatanggol ni Ynion kay Mercado patungkol sa kanyang pagiging Magna Cum Laude sa University of San Francisco ngunit hindi ito kinagat ng mamamayan dahil nabulilyaso ang kanilang plano.
Maging mapanuri sa mga nababasa. Unti-unting nasisiwalat ang mga kasinungalingan kung kaya naman ang Fact Check San Pedro ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa pagtulong upang masugpo natin ang kasamaan dito sa ating lungsod.
Patuloy lamang tayong mag-matyag at labanan ang kasinungalingan.
WALA SA LISTAHAN NG TOP PERFORMING CONGRESSMAN/WOMAN SI ANN MATIBAG AYON SA ISINAGAWANG SURVEY NG HYPOTHESIS PHILIPPINES.
Ayon sa Hypothesis Philippines nagsagawa sila ng isang independent at non-commission survey noong January 1 - 13, 2024 na mayroong 10,000 respondents mula sa iba't ibang panig ng Lalawigan ng Laguna upang alamin ang Job Performance ng mga Congressman/woman.
Ang survey na ito ay bahagi ng "PULSO NG BAYAN" na ang mga respondent ng survey ay pawang mga rehistradong botante na nasa edad na 18 hanggang 70 at nakatira sa lalawigan ng Laguna.
Fact Check San Pedro #6
TOTOO BANG GRADUATE BILANG MAGNA CUM LAUDE SI MAYOR ART MERCADO SA UNIVERSITY OF SAN FRANCISCO?
Ayon sa ating mga nakalap na dokumento, Si Mayor Art Joseph Francis Mercado ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Economics at University of San Francisco in San Francisco, California noong 2011 bilang MAGNA CUM LAUDE.
Ito ay pinagtibay rin ng kanyang dating paaralan sa De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ) na kung saan sya ay nagtapos noong 2006: https://www.dlszobel.edu.ph/index.php/2012/02/03/art-joseph-mercado-graduates-magna-cum-laude-from-university-of-san-francisco/
Fact Check San Pedro #5
TOTOO NGA BANG GAWA-GAWA LAMANG AT POLITIKA ANG RASON SA LIKOD NG PAGSUSPINDE KAY KAP JUN YNION NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NOONG NAKARAANG TAON?
Ayon sa ating nakalap na dokumento, kamakailan ay naglabas ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Laguna patungkol sa kaso nito.
Sa resolusyon na kanilang pinirmahan at inilabas ay AFFIRMED ang kanilang desisyon. Ibig sabihin ay sumasangayon ang Sangguniang Panlalawigan ng Laguna sa desisyon na ipinataw ng Sangguniang Panlungsod ng San Pedro sa kaso nito.
Fact Check San Pedro #4
HINDI TOTOONG NAGTAAS NG REAL PROPERTY TAX ANG LUNGSOD NG SAN PEDRO
Para sa ating mga Tax Payers ng Real Property Tax, maaaring iverify ang impormasyon sa ating City Assessor’s Office.
Fact Check San Pedro #3
TOTOO BANG NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO SI CHRISTIAN CULE AYON SA REPORT NI SAN PEDRO INSIDER?
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, TOTOO at pormal nang kinasuhan ng kanyang asawa si Christian Cule kaugnay sa pagsasaboy di umano ng asido sa mukha.
Nahaharap ngayon sa kasong Alleged Physical Injury, Threat, Maltreatment at Psychological Abused si Cule.
Wish granted!
Totoo nga ba ang mga paratang ng San Pedro Insider kay Christian Cule? Alamin at tutukan!
📷ccto
Suriin mabuti ang bawat larawan!
Alamin kung sino ba talaga ang totoong utak sa likod ng ghost writer ng Pilisopo San Pedro!
Mag-ingat sa mga manloloko, iwas sa mga mambubudol!
FACT CHECK - SAN PEDRO
#2 - WALANG BUDGET ANG PAGPAPATAYO NG SAN PEDRO SPORTS AND ARTS CENTER
Taliwas sa post ng isang dummy account at fake new peddler sa ating lungsod, HINDI TOTOO NA WALANG BUDGET ang pagpapatayo ng San Pedro Sports and Arts Center.
Sa isang resolusyon ng Sangguniang Panglungsod at ilang dokumento mula sa Department of Finance, aming nasilip na mayroong pondo na magmumula sa National Government para sa pagpapatayo nito.
Matatandaang kasama rin sa talumpati ni Mayor Art Mercado noong ground breaking ang kanyang pasasalamat sa Department of Budget and Management at Department of Finance para sa tulong nito sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro,
Ibig sabihin, FAKE NEWS ang ipinapakalat at sinusubukan muli nitong linlangin ang kaisipan ng ating mga kababayan dito sa ating lungsod.
TANDAAN: ‘Wag sa mga manloloko, Mag-ingat sa mga mambubudol.
Ano nga ba ang hangarin ng Pilosopo San Pedro?
Sino nga ba ang utak sa likod ng tagapagsulat nito?
Ano ang kinalaman ng 2016, 2022 at 2025 elections patungkol rito?
Sino ang 3 taong may kauganayan sa ghost writer ng account na ito?
Ating himayin ang bawat detalye nito!
ABANGAN!
Hanggang saan hahantong ang bawat kasamaan ng mga tunay na kalaban ng bayan?
Alamin ang katotohanan at ‘wag hayaang lasunin ng kasinungalingan!
Tutukan ang Fact Check San Pedro, Abangan!
Paano mag-report ng isang FACEBOOK FAKE ACCOUNT?
Ugaliing mag-fact check at bisitahin ang page na ito. Kami rito sa Fact Check San Pedro ay mananatiling kakampi ng bayan para sa katotohanan.
FACT CHECK - SAN PEDRO
#1 FELICITAZ ALON-ALON FAKE ACCOUNT
Kamakailan ay mayroong isang dummy account na nagpost ng pagsisiwalaat di umano ng ilang mga detalye patungkol sa personal na buhay ng ating Punong Lungsod.
Sinubukan namin magsaliksik patungkol dito at aming napag-alaman na ang mga detalyeng kanyang isiniwalat ay WALANG KATOTOHANAN at WALANG TAONG NAGNGANGALANG "FELICITAZ ALON-ALON" na ipinagpipilitang kamag-anak ng mga Alon-Alon at Mercado dito sa ating lungsod.
Paparating na ang eleksyon at talamak nanaman ang mga pekeng impormasyon. HUWAG MAGPAPALOKO, MAG-INGAT SA MGA MAMBUBUDOL!
Ugaliing mag-fact check at bisitahin ang page na ito. Kami rito sa Fact Check San Pedro ay mananatiling kakampi ng bayan para sa katotohanan.
San Pedro
4023
Be the first to know and let us send you an email when Fact Check San Pedro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.