18/05/2020
Common Questions ng mga Passengers ngayon may Pandemic Outbreak.
1. Kailan po ang resume ng airport operation?
β‘οΈ Wala pa pong definite date kung kailan ang resume ng operation dipende po kung ililift napo ang ECQ sa manila may chance po na mgopen ulit ang airport.
2. May biyahe na po ba ngayon buwan ng May?
β‘οΈ Wala pong biyahe ngayon buwan hanggang may 31, 2020 po dahil under ECQ parin po ang Manila.
3. May flight na po ba ng June 2020?
β‘οΈ Yes po may flight na, pero may chance pa pong macancel ang flight.
4. Pwedi na po bang magbook ng June flight?
β‘οΈ Yes po, pero aware din po sana kayo na may chance na macancel and flight ng June.
5. Kapag nagpabook po ba ako at nacancel and flight may rebooking po ba? Or pwedi irefund ang pera?
β‘οΈ Yes po may rebooking po tayo at sa refund naman dipende po kung anong airline.
6. May bayad po ba ang rebooking?
β‘οΈ Free po ang rebooking kapag ang flight ay nacancel dahil sa pandemic outbreak.
7. Pwedi na po ba magadvance booking?
β‘οΈ Yes po, dahil mas mura ang ticket ngayon kaysa after ng ECQ.
8. Ang Price po ba ninyo may additional charge pa? Or fixed price na po ba?
β‘οΈ walang additional charge unless magadd po kayo ng service. Fixed Price? Hindi po, dipende po kung kailan ang alis niyo at kung saan kayo pupunta. May chance na magbago ang presyo pweding mababa pweding mataas na after ilang oras.
9. Ano po ba kailangan kapag domestic flight?
β‘οΈ Kailangan lang po ng Valid ID
10. Except sa Valid ID may kailangan pa pu ba na dalhin kapag pwedi ng bumiyahe?
β‘οΈ Yes po, sa mga Locally Stranded na Individuals (mga local employees, estudyante, mga tourist at iba pang nastranded) kailangan po MEDICAL CERTIFICATE mula sa Municipality, TRAVEL AUTHORITY, CERTIFICATE OF ACCEPTANCE mula sa tatanggap na LGU, mas maganda po magtanong po kayo sa municipality po kung nasaan kayo.
β‘οΈ Mga Returning OFWs (ofw workers, mga nagaaral sa ibang bansa, may J1 visa, mga tourist pumuntang ibang bansa at iba pa) kailangan po ng RT-PCR result kailangan ito ay negative result, CERTIFICATE MULA SA BUREU OF QUARANTINE, kung saan po kayo nakaquarantine at TRAVEL AUTHORITY.
11. Paano po namin makukuha ang ticket namin kung nakapagbook kami?
β‘οΈ Pwedi po namin isend thru email ang itinerary at booking ticket and receipt niyo.
12. Paano po ba mgbook sa inyo?
β‘οΈ Magmsg.lang po kayo samin ng mga information niyo gaya ng Saan ang destinasyon mo? Kailan ang alis mo?
13. Paano ko malalaman ang exact price na babayaran ko?
β‘οΈ kapag po nabigay niyo na po lahat ng kailangan namin information. Lalo na ang exact date po mabbgay nanamin ang exact price.
14. Paano kami magbabayad?
β‘οΈ Payment first po tayo, pwedi po kayong magbayad thru gcash, palawan, mlhuillier at bank accounts.
15. Mapagkakatiwalaan po ba kayo? May business permit po ba kayo?
β‘οΈ Yes po may business permit kami, may fb page din kami at halos po sumasagot kami ng mga tanong gamit ang personal facebook account namin. Nakataya po dito ang aming pangalan. Kaya imposible po na manloko po kami ng tao.
16. Bakit po ba mababa ang prices niyo?
β‘οΈ mababa po kapag may promo kami. Lalo na ngayon po na may Balik Probinsya Promo kami kung makikita niyo mababa lang po tlga dahil isang paraan lang po para mkatulong kami sa ating mga kababayan.
ββββββββββββββ
Sa mga ibang tanong po maaari niyo po kaming imsg. Dito sa fb page namin at masaya po namin kayong aasikasuhin at sasagutin lahat ng mga tanong.
Maraming Salamat po.
Mag-ingat po tayong lahat. ππ