07/12/2020
ANNOUNCEMENT
Simula December 15, 2020, hindi na sasagutin ng LGU GenSan ang gastos ng hotel/motel mandatory quarantine ng mga sumusunod:
1. APORs;
2. Returning residents;
3. Close contacts in companies pursuant EO 48 S. 2020;
4. Close contacts with COVID-19 cases na ayaw mag-quarantine sa mga Barangay Isolation Unit (BIU).
Ito ay base sa Section 5 ng Executive Order No. 54, S. 2020 o ang Modified Guidelines on Mandatory Quarantine and Protocols.
Sasagutin pa rin ng LGU GenSan ang gastos ng hotel/motel mandatory quarantine ng mga sumusunod:
1. Returning Overseas Filipino workers;
2. GSC-LGU Health Frontliners;
3. GSC-LGU officials and employees (na mga frontliners);
4. Barangay Officials;
5. IATF government personnel newly assigned in General Santos City subject to the approval of the IATF-GSC; at
6. Close contacts ng mga GSC-LGU/Frontliners’ family members subject to the assessment of medical officers.
Lahat ng mga closed contacts ay libreng mag-quarantine sa identified Barangay Isolation Unit (BIU) ng lungsod dahil sa patuloy na local transmission cases.
(CPIO/RR/MLL/ER/RSC)