24/01/2023
Sign na to para mag book ka😉 We're here to assist you. Just message us here on our page.
Sa buhay, ang pag-aasawa ay isa sa pinakamalaking desisyon na gagawin natin.
Mahalaga na hindi tayo pabugso-bugso sa pagbuo ng desisyon kapag ito ay dumating sa buhay natin.
Kaya naman mahalaga rin matagpuan natin ang taong karapat-dapat nating makasama sa habang-buhay at maging karapat-dapat din tayo para sa taong ito.
Ilan lamang ito sa mga mahahalagang katangian ng isang taong karapat-dapat na makasama sa buhay.
MALAMBING AT MAPAGMAHAL
Hindi lamang malambing at mapagmahal nung nanliligaw pa lang, kailangan ganoon pa rin kapag kayo na. Kaya mahalagang kilalanin nang husto ang taong pipiliin natin.
Kaya nga may dating stage ‘di ba? Hindi naman kailangan magmadali at makipag-unahan. Mahalaga ay handa kayo at tama ang desisyong gagawin ninyo.
KATUWANG SA ANUMANG BAGAY
Mahalaga ring pundasyon ng isang matibay na pagsasama ay isang malalim na pagkakaibigan. Kapag nagpakasal na kayo, sa hirap at ginhawa na ito. Kaya dapat walang iwanan.
Hindi yung kaunting hirap at pagsubok, ayawan na. Mahalaga na kahit sa simpleng gawaing bahay ay nagtutulungan kayo at may malasakit kayo sa isa’t isa.
MAGALING MAGHAWAK NG PERA
Real talk, hindi naman puro pagmamahalan lang ang sagot sa pagkakaroon ng masayang pamilya at pag-aasawa.
Makikita mo naman ito kung mahilig siya mag-shopping, mahilig lumabas kasama barkada, mahilig bumili ng branded na gamit, mahilig kumain sa labas, etc tapos alam mo rin kung ano ang trabaho nya, magkakaroon ka rin ng idea doon.
This workshop will guide and prepare you before you tie in the knot someday. Click here 👉 http://bit.ly/3RdfW1j