20/09/2021
Reminder:
First, hindi po ako associated with Incident Management Team. I answer inquiries and nagpoprovide po ako information regarding requirements sa mga may plan umuwi sa kani-kanilang mga lugar. I do research po based sa Social Media accounts, Pages ng IMT, LGUs, CAAP Page etc. na pwedeng mapagkunan ng legit na information for process at requirements for travel. Pero again, I always put disclaimer na maaaring 'di enough yung information na naibibigay ko but I make sure na legit yon dahil legit din ang mga sources ko. In fact, during this time of pandemic, nakapag-travel din ako for business purposes kaya kahit papano, may first-hand experience ako, though may mga nabawas, nabago or nadagdag na requirements.
Hangga't kaya at alam ko po information, nagbibigay ako, pero again, I always advise my clients to make sure na makipag-coordinate muna mismo sa kani-kanilang mga LGUs or sa mga agencies na inatasan nila in providing assistance with regards to travel. Higit sa lahat, make sure na nakipag-coordinate muna talaga sa LGU before magbook ng ticket.
Eto lang ah, sa mga clients ko or magiging clients, please huwag kayo magagalit sa'kin if di ko kayo maaassist sa pag aasikaso ng requirements, or magagalit sa'kin kung di kayo nareplyan/naassist agad ng IMT or LGU. I really want to help you pero yung ako pa po mismo ang paaasikasuhin nyo ng requirements, I think labas na po ako dun. Kung may mga kamag-anak or kakilala po kayo sa pupuntahan na lugar na may idea din sa requirements at process, please verify with them. What I can give you is more on information pero more than that like pag aasikaso ng docs, kayo na po sana bahala.
Yun lang po, mejo na-stress lang ako 😅 Anyways, Stay safe sa lahat 🥰
P.S
This is general
LEX Travel and Tours