22/03/2021
Update: for Metro Manila
Summary of IATF Resolution:
1. No lockdown but NCR will be placed under GCQ
2. Same rules for Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal (Area)
3. Effective March 22 to April 4
4. Curfew hours 10pm to 5am
5. Essential travel only in Area (work, food, services).
6. Leisure travel within Area (staycation) is allowed but not including below 18 and above 65 yrs old
7. Leisure travel outside the Area is not allowed but returning to Area is allowed
8. No religious gatherings and face to face meetings; 10 pax max for wedding, baptism, wake and burial
9. Private sector 30-50% working capacity subject to health protocols
10. 24/7 delivery and take out allowed
11. Dine-in not allowed
12. Outdoor dining (including along mall corridors) allowed
13. Below 18 stay home
14. Above 65 and PWD allowed for no contact sports and exercise except pregnant, immunodeficiency, and comorbidity
Hindi po ito ECQ o lockdown.
Alinsunod sa pinakabagong IATF resolution na ipinalabas ngayong March 21, 2021, ang Lalawigan ng Rizal kasama ang NCR cities at mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Bulacan ay mapapaloob sa "heightened General Community Quarantine" simula bukas, March 22, 2021 (Lunes) hanggang April 4, 2021.
Narito po ang mga alituntunin sa nasabing panahon:
1. UNIFORM CURFEW mula 10:00 pm hanggang 5:00 am
2. ESSENTIAL TRAVELS. Tanging mga essential workers, public transport, atbp ang papayagan makalabas at makapasok sa probinsya ng Rizal.
3. AGE RESTRICTIONS. Bawal lumabas ang mga below 18 at above 65 years old maliban kung para sa essential travels at services.
4. MASS GATHERINGS. Ipinagbabawal ang mga mass gatherings at public events tulad ng mga religious services, conferences, meetings, festivals. Virtual na lang po muna. Mapapayagan lang ang mga misa ng kasal, binyag at libing pero limitado lamang sa maximum of 10 attendees at susunod sa minimum health protocols.
5. WORK/TRABAHO. Hinihikayat ang lahat ng nasa public at private sector na patuloy na mag adopt ng alternative work arrangement tulad ng work from home. Kung hindi naman kakayanin, limitahan lamang ito sa 30%-50% ng office space at iwasan ang mga pagtitipon tulad ng face-to-face meetings at mga salu-salo.
6. FOOD DELIVERY, TAKE OUT, DINE-IN. Pinapayagan pa rin mag operate 24/7 ng mga deliveries at take outs. Ang mga dine-in sa mga ENCLOSED SPACES ay mahigpit na ipinagbabawal. Pinapayagan ang mga dine-in sa mga al fresco o OPEN AREAS ngunit kailangan masunod ang minimum health protocols.
7. BAWAL MUNA mag-operate pansamantala ang mga sumusunod: driving schools, traditional cinemas, video and inter-active game arcades, libraries, archives, museums and cultural centers, limited social events at DOT-accredited establishments, and limited tourist attractions except open-air attractions.
8. HOME GATHERINGS. Dini-discourage ang pagtanggap ng mga bisita maliban sa mga malapit na kamag-anak. Hinihikayat na mahigpit na sumunod sa health protocols sa loob ng bahay lalo na sa mga may uuwiang vulnerable tulad ng senior citizens, may comorbidities, buntis, PWDs at iba pa.
9. STAYCATION/VACATION. Pinapahintulutan pumunta sa mga probinsya ng Rizal, Laguna, Cavite, Bulacan, at NCR region lamang ngunit bawal isama ang menor de edad kahit pa mga magulang ang kasama ayon sa IATF.
Ang lahat ay pinapakiusapan na sumunod po sa mga ipinapatupad ng IATF para na rin sa kaligtasan natin at ng ating pamilya.