24/10/2022
MAGANDANG BALITA!
Tinatanggap na ngayon ang GCash payment sa mga nangungunang tourist destination sa Asia, kabilang ang South Korea, Japan, Singapore, at Malaysia.
Ang cross-border payment ay inanunsyo noong Oktubre 19, 2022, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng e-wallet sa Alipay+.
Maaaring mag-cashless ang mga manlalakbay sa South Korea kapag bumili sila sa mga kasosyong establishment ng Alipay+ tulad ng Starbucks, Hyundai Duty Free Shop, Lotte, Line Friends, Shilla DFS, Haidiao, at Paris Baguette sa Myeong-D**g, D**g Dae Moon, Hong Dae, Itaewon, at Seoul Namsan Tower.
Samantala, ang mga nasa Malaysia ay maaaring gumamit ng GCash sa mga convenience store na KK Mart at Happy Mart, pati na rin ang mga food stop tulad ng Tealive, Mydin, Dunkin Donut, at Bake with Yen.
Sa Japan, tinatanggap ang e-wallet sa mga retail at food merchant tulad ng Takashimaya, Isetan Shinjuku, Odakyu, Don Quixote, Rayard Miyash*ta Park, Tokyo Solamachi Mall, Ichiran Ramen, Kani-Doraku, at Kara Sushi sa mga piling lungsod ng Shibuya, Asakusa , Shinjuki, at Odaiba.