05/10/2023
✔️BAKIT NGA BA MAS MAHAL ANG SA TRAVEL AGENCY COMPARED SA WEBSITE
PLEASE READ!
Reklamo ng Client👇👇
‼️BAKIT MAS MATAAS ANG TICKET sa Agent compares sa Direct Airlines?
1.We pay our Portal Provider para makita namin lahat ng available flights ni Airlines na pwede naming ma i-offer sa mga Clients.
2.Maliban sa airlines may mga B2B din kaming suppliers para sa mga domestic at international na WALANG ACCESS ang mga passenger.
Yes po wala as in WALA!
3.Binibigyan kami ng B2B access for domestic and International tour packages para hindi na kayo mahirapan ng ilang oras para sa best prices.
4.We pay Taxes also and Pay our Permit and Accreditations and gumagamit din kami ng Kuryente at internet.
5.We Raise this business para kumita. Business po ito.
6.If you know how to book online pwedeng pwede po. But do it at your own risk. Hindi yung kapag nagka problema po kayo eh lalapit kayo sa Travel Agent para magpatulong. We have a SERVICE CHARGE.
7.We make some effort to answer all your inquiries kaya wag naman po kaming gawing tanungan lang..
8.Nakasave po kayo sa oras dahil kame magpupuyat sa kakahanap ng lowest airfare, at tours. ORAS po namin ang binabayaran niyo sa EFFORT na ginawa namin.
9. During a tour, andiyan kaming mga agent to MONITOR kung nasundo ba kayo ng shuttle at nakarating sa hotel niyo.
10. Pag nacancel or rebook ang flights niyo kame po ang mag aasikaso. Again, less hassle sa part niyo as passenger
At the end of the day this is our business, we deserve to get paid accordingly and we do our best to help our clients.🙂
If ang reason mo is mas mura, mag DIY feel free to do it and consume hours of stitching your DIY Itinerary plus goodluck na hindi ka mascam🙂..
For your future bookings and inquiries you may freely email, call or message us directly as we are happy to assist you.