08/01/2022
[IMT ANNOUNCEMENT]
Executive Order No.1-B, Series of 2022
Ayon sa ating bagong Executive Order na inilabas, ang mga biyahero na galing sa mas mataas pa sa Alert Level 2 ay tanging Authorized Persons Outside of Residence (APOR), Emergency, Indespensable, at Essential Traveler lamang ang pinapayagang makapasok sa kondisyon na ang biyahero ay makakapag presenta ng negatibong RT PCR test na valid lamang sa loob ng tatlong (3) araw mula sa date of testing, anuman ang status ng vaccination.
Sa mga biyahero mula sa Alert Level 2 o mababa, Locally Stranded Individual (LSIs) at Returning Residents ay pinapayagang makapasok ng Catanduanes sa kundisyon na ang biyahero ay makakapag presenta ng negatibong Antigen test na valid lamang sa loob ng tatlong (3) araw mula sa date of testing, anuman ang status ng vaccination.
Ibinabalik na rin ang Letter of Exemption (LOE) sa mga National Government Agency (NGA) na palabas ng Catanduanes at kailangan parin dumaan sa Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System. Para makakuha ng LOE, kailangan ng Travel Order, Valid I.D., at Itinerary Travel.
Maari po kayong tumawag sa aming hotline para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon.
Maraming salamat.