18/06/2020
Sa mga nagbabalak bumalik o umuwi ng Pilipinas. Eto po ang guide steps na inyong daraanan...
➡️GUIDE PARA SA MGA RETURNING FILIPINOS SA PILIPINAS⬅️
STEP 1: REGISTRATION
mag register online sa https://e-cif.redcross.org.ph o i-scan ang QR code. Huwag kalimutang i-upload rin ang picture ng bio-page ng inyong passport.
STEP 2: CONFIRMATION E-MAIL AT QR CODE
makakatanggap kayo ng confirmation e-mail at QR code. I-save sa inyong telepono o i-print ang QR code.
STEP 3: BRIEFING
pagdating ninyo sa airport ng Pilipinas, magkakaroon po ng briefing para sa simpleng prosessong daraanan.
STEP 4: VERIFICATION AT BARCODING
pumunta sa Verification Counter at ipakita ang inyong QR code. Kayo ay bibigyan ng anim (6) na barcode stickers. Idikit ang isa sa inyong passport.
STEP 5: SWAB TESTING
kayo ay papupuntahin sa isang Testing Booth para ma-swab. Ibigay ang natitirang limang (5) barcode stickers sa swabber.
STEP 6: IMMIGRATION
Dumiretso na sa immigration counter at ipakita ang passport pati ang barcode sticker.
STEP 7: QUARINTINE FACILITY ASSIGNMENT
para malaman ang inyong Quarantine Center Assignment, pumunta sa mga susunod na desk. Kung ikaw ay....
➡️OFW - OWWA
➡️Seafarer na may Local Manning Agency - LMA
➡️Non-OFW Returning Filipino - DOT
STEP 8: RESULTA
ipapadala ang inyong resulta via text message at e-mail sa loob ng 72hours.
Have a safe travel 💕✈️