14/02/2024
Magandag araw mga ka-4Ps! Kilalanin si Nanay Glenda para sa #𝓚𝔀𝓮𝓷𝓽𝓸𝓷𝓰4𝓟𝓼 sa linggong ito!
Isang kahig, isang tuka - iyan ang paglalarawan ni Glenda Mae Oquendo, 47 na taong gulang, mula sa Calizo, Balete, Aklan sa kanilang pamumuhay bago mapabilang sa 4Ps. Pagsasaka at pag-uuling ng kahoy ang kanilang ikinabubuhay, na bagama't anumang sipag at tiyaga ang inilalaan ay talagang kinakapos pa rin, lalo na sa mga gastusing pangkalusugan, at pang-edukasyon.
Ayon sa kanya, naging kaakibat ng kanilang pagsisikap ang tulong mula sa programa, na nagbigay ng liwanag at pag-asa para sa kanila.
"Maligaya po akong ibahagi ang aming talambuhay na dahil sa programang ito, ang aking panganay na anak ay isa ng graduating student sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering at ang bunso ko naman ay nasa Grade 10 na. At dahil sa mga pagkakataon at pagpapala, karangalan po namin na hindi na kami maituturing na mahirap dahil sa taong ito kami po ay magtatapos na sa programa bilang self-sufficient o Level 3," ani Nanay Glenda.
Lubos ang kanyang pagsasalamat sa dakilang lumikha, sa programa, at sa kanilang LGU dahil kung hindi dahil sa mga ito, aniya, hindi nila maaabot nang tuluyan ang kanilang mga pangarap.
Para sa kabuuang kwento, bisitahin ang DSWD Western Visayas.
https://www.facebook.com/dswd06/posts/787106586794510
Para sa iba pang mga , bisitahin lamang ang opisyal na website: https://pantawid.dswd.gov.ph/