01/07/2019
⚠️REMINDER TIPS⚠️
PAALALA SA MGA NAGTRA-TRAVEL at GUSTO MAGBAKASYON 🔥
PARA 💯 MAKATIPID at 💯 MAKA-MURA ng pamasahe sa eroplano, ganito po yon:
➡️Mas mura ang rates kapag malayo pa ang travel date.
➡️Mas mahal sa peak season, gaya ng December and Summer, kasi maraming nagbabakasyon.
➡️Kapag nag-announce ng promo ang airline, yan ay for a limited booking period lang.
HINDI PO KAYO HIHINTAYIN NI AIRLINE KUNG KELAN NYO GUSTO MAGTRAVEL KASI GANITO YON:
✅Halimbawa may 200 seats ang eroplano, syempre kukwentahin ni airline kung ilan ang minimum pax niya para kumita bawat lipad.
✅If you notice 9 pax lang bawat booking ang pwede. Kasi hinahati ni airline ang number of seats sa 9 bawat segment.
✅Bawat segment may presyo, simula sa cheapest promo rate. So unahan yan sa booking. Pag napuno yang unang segment, next segment available na, pero mas mataas na rate, and so on.
✅Walang deadline ang promo, paunahan ng booking yan.
✅REMEMBER, hindi lang ikaw ang naghahanap ng murang pamasahe. Kaya pag sinabing promo, BOOK NA! at huwag naman maghanap ng pamasaheng 500 pesos, kahit siguro witch na magpasakay sa iyo sa walis niya, sisingilin ka ng higit pa diyan.
TAKE NOTE:
📌May piso fare nga pero hindi piso lang ang babayaran mo. May taxes and booking fees pa yan, insurance at bagahe.
KAYA ITO ANG TIP KO:
Una: Planuhin in advance (at least 6 months) ang travel mo. ✈️ (Book early para sa cheapest flight available)
Pangalawa: Kung may promong swak sa travel date mo, book mo na agad.🤙😉
Ctto