20/04/2021
REAL TALK ABOUT PROMO FARE / SEATS SALE❗️❗️❗️(Please READ carefully.)
✅ Paki-basa pong ma-igi ang ads promo ads ng seat sale bago mag inquire para di tayo paulit-ulit 😊
✅ AS LOW AS
Pinakamababang fare po ang nasa ads, marketing strategy po ang tawag dun 😁
✅ BASE FARE
Hindi pa kasama taxes at ibang charges kaya wag mo awayin si agent kung iba ang fare na binigay sa iyo. Wag na ipilit yong nasa ads kasi di mo naman binasa ma-igi eh 😊
✅ SELECTED TRAVEL DATE
Hindi buong buwan eh naka-promo, piling date lang po yan kaya wag na ipilit pag ang iyong gusto date ay di kasama sa promo. Baguhin mo na lang leave mo ayon sa seat sale date, paalam na agad sa boss mo.😉
✅ SELECTED DESTINATION
Hindi din lahat ng lugar kasama sa promo kaya if di kasama yong bet mong puntahan, dun ka na muna kung saan mura.
✅ PROMO DATE AND TIMING
Ang promo minsan talaga kung di gabi, umagang umaga ang biyahe kaya kung magpapa-book po kayo, agahan ang gising o sa airport na matulog. ✌Wag po pasakitin ulo ni agents sa gusto mong oras, binigay na nga sa iyo iyong time na naka-promo eh.😉😊
✅ BOOKING PERIOD
Period kung hanggang kelan lang siya naka-promo . Pag off peak, makakahabol ka pa sa last seat, pag peak season ay handa mo na ang budget mo dahil mabilis maubos yan.
✅ TRAVEL DATE
After 2 to 3 months normally ang lipad mo. So if nagpa-book ka now at next year pa lipad mo, mag alarm ka or mark your calendar kasi hindi refundable ang ticket kasi naka-promo yan.😉😊
✅ SPECIAL NOTE
Paka-tandaan pong mabuti. Wag na po kayo umasa na may promo fare pa kapag 1 week before or ilang days na lang ang plano nyong travel date. Malabo pa po sa sabaw ng pusit ang gusto nyo mangyari.😉😁
Travel Agent po kami, HINDI MAGICIAN. 😂✌
Your legit travel agent,
🌐📩 www.wcatravel.com/lynmel14