03/11/2022
PARA SA MGA MINAMAHAL NAMIN MANLALAKBAY:
WISH KO PO SA DARATING NA PASKO, LAHAT NG MGA MEDYO BASTOS✌️😅NAG-EINQUIRE NG FARE RATE, E MAY X'MAS GIFT NA SILANG MATATANGGAP LAHAT UNG TINATAWAG NA "MANNERS"☺️
IBIG KO SBIHIN, YUN BANG MARUNONG NAMAN SANA MAG SABI NG "THANK YOU" AFTER MAG-INQUIRE, LALO PA'T INQUIRE LANG NAMAN PALA ANG SADYA NINYO, ANO PO?
KASI GANITO PO YUN, KAMING MGA AGENTS, KAHIT GAANO PA KAMI KA BUSY, BASTA MAY NAG TANONG SINASAGOT PO NAMIN YAN, FREE PO. OPO LIBRE LANG WALANG BAYAD. KAYA MANO MAN LANG SUKLIAN N'YO KAMI NG MATAMIS O MASARAP NA THANK YOU O PASASALAMAT BAGA😁DI PO BA? SARAP NA SA FEELINGS YUN MGA MA'AM AT MGA SIR.
KASI KUNG SA AKALA NINYO MADALI ANG PAG UPDATE? AY, DEPENDE PO YUN, MINSAN MADALI LANG KAPAG OK AT FRIENDLY ANG INTERNET NAMIN, PERO KAPAG MASUNGIT AT NANGHIHINA NA SI INTERNET, ABA'Y , MADAMOT PO MAG BIGAY NG SERBISYO N'YA SA AMIN. MASTRESSED NA PO ANG AGENT NINYO SA KAKAUPDATE, NO MORE RESULT! NAGLOLOADING LANG🥲 KUNG KAYA UULIT-ULITIN NAMIN ANG PAGAUPDATE...HASSLED SOBRA, AT TAKE NOTE: HINDI PO FREE ANG AMING INTERNET AT KURYENTE, AT MAY PERMITS PO KAMI NEED BAYARAN👌KAYA SANA NAMAN 'WAG NATIN UGALIIN DEADMA AFTER INQUIRE! MATUTO PO TAYO MAGSABI NG SALAMAT PO🤗
ANYWAY, DI HAMAK MAS MARAMI NAMAN PO ANG MAGINOO/ KAGÀLANG GALANG AT KARESPE- RESPETO MGA CLIENTE NAMIN AT DESERVED NILA MA APPRECIATE AT MAPASALAMATAN..ALAM N'YO NA KUNG SINO-SINO KAYO, NO NEED TO MENTION YOU GUYS🤩KUDOS SA INYONG LAHAT MGA SUPER BABAIT NAMIN MGA SUKI🥰NG DAHIL SA SUPPORTA NINYO KUNG KAYAT PATULOY PA RIN KAMI NAKAPAG BIGAY SERBISYO SA INYONG LAHAT MAGPAHANGANG SA NGAYON😍
PARA NAMAN SA MGA NAG INQUIRE NGAYON AT SA NEXT 2 MONTHS PA PALA KUKUHA NG TICKET, ❎🥺 YAYAY PO SOBRA SA BANGS ANG STELO NINYO MGA MADI AT PADI🙄. KASI ANG PRESYO PO NG TICKET AY SUPER BILIS LANG PO MAGBABAGO, PARANG PAG IISIP LANG NG JOWA NIYO✌️😅
TIP PARA MAKA PAG AVAIL NG MURANG TICKET OR PROMO TICKETS:
1. ADVANCE BOOKING ANG THE BEST SOLUTION(TWO,THREE TO FOUR MONTHS BEFORE FLIGHTS)
2.KAPAG NAPANSIN NYO MABABA NA ANG RATE, GRAB NIYO NA PO AGAD. WAG NYO NA PO MAMAYAIN! BUKAS! OR NEXT TIME NLANG. KASI KAPAG MAMAYA TIYAK NAGBAGO NA ANG PRESYO NYAN, LALO NA BUKAS OR SA NEXT PAG INQUIRE NINYO.
AT ITO PA! WAG MAGAGALIT KAPAG PAGFOLLOW UP INQUIRE NINYO MAHAL NA ANG TICKET, KASI AGENT LAMANG PO KAMI, WALA KAMING POWER PARA E-HOLD OR EPA STAY ANG PRESYO NG MGA TICKETS. ANG EROPLANO OR BARKO PO ANG NAGBIGAY NG MGA PRESYO IBINIGAY NAMIN SA INYO GANERN PO YUN😁 DAHIL KUNG SA AMIN LANG ANG MGA EROPLANO AT BARKO NA YAN, MAKAKA ASA PO KAYO MALAMANG SA MALAMANG ARAW-ARAW KAMI MAGBIBIGAY NG DISKWENTO AT BAKA MADALAS KAMI MAGBIBIGAY NG FREE TICKETS. AT T'YAK MAKAILAN LIPAD O LAYAG LANG OVER DROP NA KAMI🤣
PAALALA DIN PO PALA SA MGA BARAT DIYAN, AYAW MAGBAYAD NG SERVICE FEE🙋NAKU! BES, PARA ANO PA'T NAGNENEGOSYO KAMI, KUNG AYAW NIYO KAMI KUMITA? PANO NAMAN ANG BUSINESS NAMIN KUNG AYAW NINYO MAGBAYAD NG SC? KAYA ISIP-ISIP DIN PO MGA BARAT! ESTE MGA BRADER AT SISTER😁GIVE AND TAKE PO TAYO DITO TULONGAN BAGA PO.
AT TANDAAN HINDI PO SA LAHAT NG ORAS O PANAHON, PALAGING NAGPAPABAYAD NG TAMANG SC ANG AGENT NIYO, MAY PAGKAKATAON DIN PO NAGBIBIGAY NG FREE SC, DEPENDE SA SITWASYON NG CLIENTE PO. GANYAN PO KABAIT AT KAMAUNAWAIN ANG MGA AGENTS NINYO.
AT WAG AGAD MANGHUSGA, PORKET, MABABA SCAMMER OR KAPAG MATAAS, MASYADO NAMAN MAGPATONG SI AGRENT!😠
LAHAT PO YAN AY MAY EXPLAINATION MEANING, DEPENDE PO SA SITWASYON.. CASE TO CASE BASIS PO MGA MAHAL NAMIN SUKING MANLALAKBAY.
AT PARA MAKAIWAS AT 'WAG MASCAM?
UGALIIN PO NATIN ANG MAPANURI, AT MAPAGMASID AT MAKIRAMDAM. UULITIN KO
WALANG MASAMA KUNG UGALIIN NATIN MAG IINGAT SA LAHAT NG PAGKAKATAON DAPAT BAGO MAKIPAG TRANSACT AY MAG BACKGROUND CHECK PO MUNA TAYO UPANG MAKAKASIGURADO PO TAYO LEGIT ANG KAUSAP PO NATIN.
WAG UGALIIN MAGHANAP NG MAS MURA PA SA MURANG PRESYO OR LOWEST FARE BIGAY SA INYO NI AGENT, KASI SOBRANG UNTI LNG ANG SC NYA DIYAN. ISIPIN NYO NALANG PO SAFE ANG PERA NYO.
MAGING WAIS AT PRAKTIKAL
AANHIN MO ANG MURANG TICKET KUNG SA SCAMMER KA PALA NAKIPAG TRANSACT? MURA NGA ANG BILI MO PERO HANGGANG AIRPORT LANG ANG BIYAHE MO, DAHIL FAKE ANG TICKET MO😭SAMANTALA KUNG SA AMIN MGA LEGIT TRAVEL AGENT KA MAKIPAG TRANSACT, SABIHIN NALANG NATIN, MAY KAMAHALAN PERO SURE NAMAN KAYO MAKAKARATING SA INYONG DESTINATION.
AT KUNG SA TINGIN NINYO KAYA NINYO MAGSELF BOOK? PWEDENG PWEDE NAMAN PO, KAYA LANG KAPAG NAGKAPROBLEMA ANG FLIGHT MO? MAGSELF SOLVE KA NA LANG DIN, ANO PO? KASI NAKAKAHIYA NAMAN SA AMIN MGA AGENTS KUNG KAYO NAGSELF BOOKED TAS, SA AMIN KAYO MAGPATULONG. KAUNTING DELIKADESA LAMANG PO SANA MGA MADI AH?
AT ISA PA PALA YUNG TIPONG SA AMIN KAYO NAG IINQUIRE TAPOS SA IBA KAYO NAGPABOOKED, TAS BABALIK KAYO SAMIN PARA MAG TATANONG NG KAILANGANIN SA TRAVEL? ABA'Y SOBRANG KABASTUSAN NA PO YERN😈
"KAYA KUNG SAAN KAYO NAGPABOOKED?
DOON DIN KAYO MAGTANONG"!
SERIOUSLY MGA BES, UNAWAIN NINYO ANG AMING HANAP BUHAY, AT SITWASYON. FREE INQUIRE AT ADVICE PO, IF SA AMIN KAYO MAG PA ASSIST. MULA UMPISA NG PAG BOOKED MO, HANGGANG SA MAKARATING KA NA SA PAROROONAN MO MAKAKAASA KA NARIYAN KAMI UPANG ALALAYAN KA. UNLIMITED TANONG AT ADVICE PO HANDA NAMIN IBIGAY SA INYO. BASTA HINDI LANG BUSY SI AGENT NIYO SISIKAPIN NILA/NAMIN MASAGOT ANG LAHAT NG MGA KATANUNGAN NINYO. UGALIIN LAMANG PO ANG MAGPAPASENSYA KUNG HINDI KAAGAD MATUGUNAN ANG INYONG KATANUNGÀN, 'WAG AAPURAHIN SI AGENT, MATUTONG MAG ANTAY KUNG KAILAN MAGING AVAILABLE ANG BUSY NINYONG AHENTE.
OPO, "WAG LAMANG PO ABUSUHIN ANG KABAITAN AT PAGPAPASENSYA NI AGENT☺️
GAWA NG HINDI LANG KAYO ANG INAASIKASO NILA, KUNDI SUPER DAMI PA PO NG MGA CLIENTE TULAD NINYO ANG NAGNANAIS MAGPA ASIKASO SA KANILA/SA AMIN
TANDAAN: TAO RIN PO ANG AHENTE NINYO, HINDI ROBBOT NAPAPGOD DIN AT KAILANGÀN MAGPAHINGA.
NAWA'Y LUBOS NIYO NA PO NAUNAWAAN🤗
MARAMING SALAMAT PO.😍
NAGMAMAHAL,
TRAVEL AGENT