23/01/2020
BASAHIN MO WORTH IT ITO😊
BAKIT KAILANGAN MONG MAGNEGOSYO?
Maraming tao ang ayaw magbusiness dahil karamihan, lalo na ang mga Pinoy ay ganito ang naituro: "Study hard... get good grades, then find a good job."
Ito ang dahilan kung bakit after natin makagraduate, nagsisikap tayo agad na makahanap ng trabaho.
WALANG MASAMA DUN! Pero karamihan ng mga tao ay ganito ang nagiging dahilan kapag inalok mo ng NEGOSYO.
1. "Ayaw ko magbusiness. Wala akong pera."
Eh di ba sa paghahanap ng trabaho kelangan mong mamuhunan sa paghanap ng pamasahe,
medical certificate, requirements, pagkain,transportation at kung ano-ano pa.
Kung minsan kailangan mo pang umutang para lang makumpleto ang mga ito?
Ang masaklap, paano kung hindi ka pumasa sa requirements o hindi natanggap sa trabahong pinapasukan mo?
Malamang, uulitin mo ito ulit at mamumuhunan ka ulit. 😁
2. "Wala akong oras para dyan."
Walang kaso yun. Pero ang mas malala, wala ka na ngang oras, wala ka pang PERA.😂
3. " Hindi ko alam yan." "Hindi ko hilig yan." "Hindi ko linya yan."
Tanong. Ang mga doktor ba pinanganak ng doktor? Engineer? Architect? Lawyers?
Di ba inaral lang din nila at di rin nila dati alam yung trabaho nila?😉
Yung mga call center agent natin? May course bang Call Center? Mga DH na nasa ibang bansa, may course bang Domestic Helping? Hindi mo na dapat iniisip kung ano ang linya mo. Ang importarte kung magkano ang iuuwi mo sa pamilya mo.
Realtalk! May mga doktor na hindi kuntento sa Pinas na pupunta sa abroad para lang maging nurse. Kaya sabi sa kanila,
"Congrats, doc! You're now a nurse." Pero ang sahod mas malaki kesa dito sa Pinas.
Ikaw? Hilig mo ba ang ginagawa mo ngayon? Kung aalisin natin ang sweldo mo, gagawin mo pa rin ba ang trabaho mo?
Marami ring tao ang ginagawa nila ang alam nila at linya nila pero kulang pa rin at laging kapos sa kita nila.
Kung ito ang magpapabago sa buhay mo at makapagbibigay sa'yo ng mga pangarap mo, bakit di mo alamin?
Bakit di mo linyahin? Bakit di mo aralin?
4. "Ayaw kong magbusiness. Risky yan. Baka di ko magawa. Baka malugi ako."
Hindi pa nila nauumpisahan, iniisip agad nila ang pagkalugi.
Nung nag-enrol ka ba at nagbayad ng tuition, tinanong mo ba kung paano kung hindi ako pumasa?
Paano kung hindi ako makagraduate? Nung nag-apply ka ng work sa company mo, tinanong mo ba sa boss mo kung "what if di ko magawa yung trabahong ibibigay mo?"
Lahat ng mga excuses na ito ay dahilan na lamang nng mga tao.
Kung gusto mo magnegosyo, simulan mo na NGAYON!
hindi ka kikita kung puro SAKA NA, SA SUNOD NA LANG.
Walang magbabago kung hindi ka gagawa ng bago.
Huwag kang matakot. Dati ka ng takot!
"THE WAY TO GET STARTED IS TO QUIT TALKING AND BEGIN DOING."