20/10/2023
TIPS PO PARA HINDI KAYO MA SCAM SA ONLINE TICKETING !!!
CHECK NYO ANG PROFILE NG TAONG KAUSAP MO !
ANO ang dapat tingnan?
✈ Check nyo kung naka public ba ang account nya.
(Ang legit travel agent ay naka public po talaga usually ang account namin dahil nag nenegosyo kami. Para lahat makakita sa kung ano ang binibenta namin ).
Kapag may mga restrictions sa account nya, mag duda ka na.
✈ kailan ginawa ang account nya.
(Kapag bago lang ang account nya ginawa, possible na dummy account yan).
✈ Transparent ba ang mga transactions nya
( Tingnan nyo kung ang pangalan nya sa Profile nya ay katulad din sa pangalan dun sa mga successful transactions nya, Kapag hindi at ibang pangalan ang nandun, Mag duda ka na.)
✈ Check nyo din ang activities ng Profile or Page.
( Yung mga postings nya, lagi bang updated at may recent post sya.
Ang legit travel agent at active travel agent ay araw2 may postings yan sa Profile nya at sa Page.
Either sa Personal post or Business post.
Kapag, minimal lang ang postings nya,
like a month ago pa, possibleng dummy account yan.)
✈ Check mo kung kapani-paniwala ba yung mga pictures nya at may mukha sya sa mga featured photos.
(Kung puro lang pictures ng Airlines, Logo at mga avatar pictures, mag duda kana.
Ang legit travel agent ay meron talaga yang post or uploaded na mukha nya sa profile nya.
Ito ay para makilala ng mga tao na totoong tao ang kausap mo at hindi Scammer.
Sana maka tulong...
Maging mapanuri kayo mga ma'am at Sir para hindi kayo ma scam.
Huwag basta basta nag titiwala porket maganda ang offer nya.
Kung hindi kayo sigurado at may duda kayo, VIDEO CALL po at record nyo....