27/05/2020
ANG KALENDARYO NG PAGTATANIM NG GULAY
(ENERO-DESYEMBRE)
JANUARY: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Okra, Patola, Petsay, Sili, Talinum, Kamatis, Upo, Mustasa, Cauliflower Sibuyas, Repolyo, Luya,Sibuyas,Bawang at Mongo
FEBRUARY: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Petsay, Sigarilyas, Kalabasa, Talinum,Luya,Sibuyas,Bawang at Mongo
MARCH: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Petsay, Talinum, Bawang,Sibuyas,Luya at Kamatis
APRIL: Ampalaya, Kamote, Talong, Letsugas, Kabute, Okra, Patani, Petsay, Sili, Sigarilyas, Kalabasa, Talinum, Bawang,Sibuyas Luya at Mongo
MAY: Ampalaya, Bataw, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Okra, Patani, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Kalabasa, Talinum,Sibuyas,Bawang,Luya at Mongo
JUNE: Ampalaya, Bataw, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patani, Patola, Petsay, Sili, Sitaw, Kalabasa, Talinum, Okra, Munggo, Bawang,Sibuyas,Luya at Sigarilyas
JULY: Ampalaya, Kamote, Talong, Kabute, Luya at Talinum
AUGUST: Ampalaya, Kamote, Talong, Kabute,Luya at Talinum
SEPTEMBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo, Luya at Mongo
OCTOBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo, Luya at Mongo
NOVEMBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo, Luya at Mongo
DECEMBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo,Luya at Mongo
KALENDARYO NG PAGTATANIM, GABAY SA TAMANG PAGTANIM
Ngayong alam niyo na ang kalendaryo ng pagtatanim ng gulay, gawin niyo itong gabay sa inyong pagtatanim kung nais niyong mas gumanda pa ang inyong ani. O kahit ng mga nasa bahay lamang na mahilig ding magtanim ng mga gulay. At sa mga nag babalak pa lamang pasukin ang negosyong may kaugnayan sa pagtatanim, kailangang malaman at maintindihan ninyo ang kahalagahan nito
Ang pagtatanim ay isang pinakamahalagang parte sa mahiwaga at malawak na mundo ng agrikultura, pagtatanim na minana pa natin sa ating mga ninuno at mahalagang maipamana rin natin ito sa mga susunod na henerasyon. Kaya dapat alam natin ang halaga ng kalendaryo ng pagtatanim, isang gabay sa tamang pagtanim.
IBA PANG MGA SALIK NG PAGTATANIM
Bagaman mahalagang pag-aralan ang kalendaryo ng pagtatanim ng gulay para sa mas magandang ani, importanteng pag-aralan mo rin ang ekonomiks sa likod ng iyong pagtatanim. Ibig sabihin, pagtimbang timbangin mo rin ang demand at suplay ng iyong produkto. Kung mataas ang demand ng gulay, mas mataas ang presyo nito. Kailan ba mas tumataas ang demand ng isang partikular na gulay? Iyan ay sa mga panahon na hindi uso o out of season ang isang gulay. Kaya bagaman may kalendaryo ng pagtatanim ng gulay na sinusunod ang mga magsasaka, pwede ka ring mag-aral ng off season farming: oo nga’t hindi gaanong marami ang ani, subalit maipagbibili mo naman ito ng mahal!
CTTO