11/10/2020
🚩 🚩🚩🚩
**PARA PO SA MGA ALWAYS NAGTATANONG
TO ALL AIRLINE PASSENGER FOR DOMESTIC FLIGHT
REQUIREMENTS NEEDED para makauwi sa probinsya or makapag-travel:
1.MEDICAL CERTIFICATE
2.TRAVEL PASS
3.TRAVEL AUTHORITY
4. ACCEPTANCE LETTER from CONCERN LGU
SAAN ITO PWEDENG KUNIN O I-PROSESO?
1. MEDICAL CERTIFICATE - sa ospital kung saan ka irerefer ng barangay
2. BRGY. TRAVEL PASS - sa inyong Barangay Hall/City or Municipal Hall
3. TRAVEL AUTHORITY - PNP Station sa inyong lugar.
4. ACCEPTANCE LETTER - kung saang lugar po kayo pupunta.
MGA PAMAMARAAN PAANO ITO MAKUHA:
1. Pumunta sa inyong barangay at magtanong kung paano makakakuha ng medical certificate. Papupuntahin ka nila sa health center or hospital ng inyong lugar. Depende sa barangay ninyo kung saan kayo irerefer na hospital po.
2. Pag nakakuha kana ng medical certificate, ay pwde kanang bumili ng ticket mo pauwi, kasi may fifill-upan ka po na Form sa barangay nyo para sa pagkuha ng TRAVEL PASS. Kailangan po kasi sa travel details nyo.
3. Pumunta sa PNP para iprocess ang TRAVEL AUTHORITY
PAALALA:
Habang magpo-process ng medical certificate, makipag-coordinate po muna sa LGU na uuwian ninyo. Tawagan ang kamag-anak at magpakuha ng ACCEPTANCE LETTER. Tatawagan po kasi ng LGU kung saan ka ngayon ang uuwian mong probinsya o LGU para kumpirmahin ang iyong pag-uwi. Mas madali ang pagkuha ng travel authority kapag ang iyong kamag-anak sa iyong uuwian ay nakapunta rin sa LGU municipal office para ipaalam na uuwi ka at makakuha ng acceptance letter.
Pag nakakuha na ng ACCEPTANCE LETTER ang iyong kamag-anak ay pakuhanan ito ng picture at nararapat na isend ng kamag-anak mo sa messenger dahil ikaw na byahero ay ipapakita mo ito sa PNP upang di kana mahirapan sa pagkuha ng travel authority.
Mga Documents na dapat hawak mo habang nasa Airport:
🔹Valid I. D
🔹Confirmed Flight Ticket
🔹Temperature check-upon departure in the origin airport
🔹Health Declaration- upon declaration in the origin airport
🔹Travel pass
🔹Passenger locator form
May mag aassist sa inyo na mga personnel sa airport upang makakuha ng HEALTH DECLARATION at PASSENGER LOCATOR.
***ALWAYS WEAR FACE MASK AND/OR FACE SHIELD.
CTTO