25/01/2020
👉PAALALA PO SA MGA NAGTRA-TRAVEL at GUSTO MAGBAKASYON:
PARA MAKATIPID at MAKA MURA pamasahe sa eroplano, ganito po yon:
✔Mas mura ang rates kapag malayo pa ang travel date.
✔Mas mahal sa peak season, gaya ng December, summer, kasi maraming nagbabakasyon.
✔Kapag nag-announce ng promo ang airline, yan ay for a limited booking period lang.
✔Hindi po kayo hihintayin ni airline kung kelan niyo gusto mag travel.
Kasi po ganito yun:
👉Halimbawa may 200 seats ang eroplano,
👉syempre kukwentahin ni airline kung ilan ang minimum pax niya para kumita bawat lipad.
👉If you notice 9 pax lang bawat booking ang pwede.
👉Kasi hinahati ni airline ang number of seats sa 9 bawat segment.
👉Bawat segment may presyo, simula sa cheapest promo rate.
👉So unahan lang po yan sa booking.
👉Pag napuno yang unang segment, next segment available na, pero mas mataas na rate, and so on.
Wala pong deadline ang promo, paunahan lang po ng booking yan.
✔TANDAAN NYO PO: hindi lang po ikaw ang naghahanap ng murang pamasahe.
👉Kaya pag sinabi pong promo, BOOK NA AGAD!
✔At huwag naman maghanap ng pamasaheng 500 pesos.
✔Kahit siguro witch na magpasakay sa iyo sa walis niya, sisingilin ka ng higit pa diyan. 😂😂😂
✔May piso fare nga pero hindi totoong piso lang ang babayaran mo.
✔May taxes and booking fees pa yan, insurance at bagahe.
👉Eto po ang TIP ko:
-Planuhin nyo po ng maaga ang bakasyon nyo (at least 6 months)
-At pag may promong swak sa travel date mo, book mo na po agad.
Tara po, usap po tayo😍