20/10/2020
https://www.facebook.com/104942527752525/posts/184462289800548/
Alam ba ninyo ang Maynila ay naging punong lunsod ng Pilipinas sa loob ng apat na siglo? at siya ang sentro ng kaunlaran ng industriya pati na rin ang pandaigdigang daungan ng pagpasok.
Matatagpuan ito sa isa sa pinakamagaling na kublihan ng mga pantalan ng rehiyon ng Pasipiko, mga 700 milya (1,100 km) sa timog-silangan ng Hong Kong. Ang lungsod ay sumailalim sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya mula nang wasak ito sa World War II at kasunod na muling pagtatayo; ito ay sinalanta ng pamilyar na mga problema sa lunsod ng polusyon, kasikipan ng trapiko, at labis na populasyon.
At sa kabila ng mga ito naging takbuhan pa din ng mga mamamayang SamaleΓ±o ang Maynila at ang transportasyon noon patungong Maynila ay sa pamamagitan ng "casco" isang sasakyan pantubig. Mayroon ding barko na dumadaong sa Orani, ang barkong "Dominga" na pag-aari ni Teodoro Yangco. Nagkaroon din ng biyahe ng bus, una ang "Del Pilar" na may terminal sa Divisoria. Sumunod ang Pampanga Bus Company (PAMBUSCO). Na hindi naglaon ay naging La Mallorca Bus Lines.
Ang mga sasakyan sa magkalapit na bayan ay karitela hindi nagtagal ay lumitaw ang jeepney at weapon carriers buhat sa labi ng liberasyon.