30/08/2020
Sa mga kabataan na nalilito pa rin kung anong kurso o anong career ang gagawin, wala akong maibibigay na tips sa inyo bwahahaha. Pero legit, hindi ko kayo feel, hindi sa pagiging insensitive pero kasi ako sure na ako dati pa na gusto kong maging tamad at gusto kong magcomputer habambuhay. Kaya nauwi ako bilang isang programmer na nag-aaksaya ng sampung oras para i-automate ang isang 10-minute task.
Pero anyway, since wala akong mai-aambag sa tips n'yo, eto ang sure na meron ako, mga don'ts kase eto yung mga bagay na hindi ko ginawa na naglead para mahanap ko yung gusto ko.
1. H'wag manonood ng 24 Oras o lumapit sa magulang mo habang nanonood sila nito. Kasi kapag narinig nilang in-demand ang Physical Therapy, Nursing, IT o ano pa man sa ibang bansa at malaki ang sweldo, instantly yun na magiging career path mo.
2. H'wag lalandi habang hinahanap ang career mo. Ewan ko pero may mga nakita akong pumili ng career nila para pareho sila ng syota nila na maghihiwalay rin naman in 4 months. Basta, iwasan n'yo 'yan hahahaha.
3. H'wag magpadala sa bugso ng damdamin. Nakirinig ka lang ng computer, mahilig ka maglaro ng DotA, so instantly nag-IT ka. Tapos narealize mo maliban sa mouse at keyboard eh wala nang kinalaman sa gaming ang tinahak mong landas. May internet ka, may computer/phone ka, maglaan ka ng oras para iresearch ano ba talaga yang ginugusto mo. Ano mga career path, ano ang demand at iba pa.
4. H'wag magrely sa passion mo. Mahilig kang magbungkal ng lupa kaya geology? Tignan mo muna, kaya ba ng utak mo? Kaya ba ng budget n'yo? Ano ba ang demand nito? May maaasahan ka bang trabaho? Alam ko may tumataas kilay sa inyo, pero let's be real. Yung career na pipiliin mo ang bubuhay sa'yo at sa magiging pamilya mo. Yung passion mo pwede mong gawin 'yan kapag marami kanang pera, pero kahit kumain baka 'di mo magawa kapag palpak ang decision mo sa career mo.
Final word at lagi kong sinasabi, kahit ano pang gawin mo, sundin mo sinabi ko, hindi mo sundin, magtambling ka, in the end yung decision mo lang ang makaka-apekto sa buhay mo at buhay mo pa rin ang magbabago. GG EZ
credits: