Gerry adventure

  • Home
  • Gerry adventure

Gerry adventure Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gerry adventure, Travel Company, .

21/08/2024
17/07/2024

Sabi nga ng sikat na artista "Time is the ultimate truth teller". ☺️

Old rice mill pambayo
15/07/2024

Old rice mill pambayo

09/07/2024
15/06/2024

ANO PO BA ANG TUNAY NA SEKTA O RELIGION NA ITINAYO NG DIOS ?
-
Bro, Eli : Pakinggan ninyo sa hebreo 3:4, Ang ganda ng pag kakasabi ninyo, TUNAY NA ITINAYO NG DIOS, kase ang Dios naman talaga ang nag tayo.
-
HEBREO 3:4 Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ANG NAGTAYO NG LAHAT NG MGA BAGAY AY ANG DIOS.
-
Sino po ang nag tayo? Kung ang Dios ang nag tayo ano ang pangalan ng tinayo ng Dios?
-
ISAIAS 43:7 BAWA'T TINATAWAG SA AKING PANGALAN, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
-
Ang sa Dios tinatawag sa kanyang pangalan, sabi nya "BAWA'T TINATAWAG SA AKING PANGALAN, AT YAONG AKING NILIKHA" Ang lahat ng sa Dios tinatawag sa kanyang pangalan, Bigyan ko kayo ng halimbawa, Asawa ni pedro, diba laging nakadikit yung pangalan ni pedro, pagkapagaari ni pedro, Asawa ni pedro, Kalabaw ni pedro, Bahay ni pedro, Anak ni pedro, Bakit ? e kase pag tinawag mo yung anak ni pedro na anak ni juan masama implikasyon non, ibig sabihin nasingitan si pedro diba? Kaya lahat ng pag aari ni pedro tinatawag sa pangalan ni pedro kaya nga pati titulo ng lupa ni pedro, pedro ang nakalagay, Ganon ang Dios, yung sa kanya tinatawag sa kanyang pangalan, kaya yung iglesia na nasa Biblia II Corinto 1:1
-
II CORINTO 1:1 Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa IGLESIA NG DIOS na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.
-
Ayun po, Iglesia Ng Dios ang tawag sa Iglesia na nasa Biblia, IGLESIA NG DIOS! hindi el shaddai! IGLESIA NG DIOS yan ang nasa Biblia, hindi rin iglesia katolika apostolika romana WALA PO SA BIBLIA YAN! wag kayo magagalit mga kababayang katoliko, Ang nasa Biblia po IGLESIA NG DIOS OR CHURCH OF GOD, yan po ang nasa Biblia, nababasa naman, LABING DALAWANG BESES po mababasa sa Biblia yung salitang "IGLESIA NG DIOS" , Sa iba't ibang talata ng Biblia yun po ang nasa Biblia, parang ganito po kapatid halimbawa pupunta ka sa cabanatuan nasa maynila ka ang una mong tinitignan sa buss yung sign board, hindi naman pwede basta buss kahit anong buss sasakyan mo, Aircon nga yung buss mo papunta naman ng bicol, san ka ngayon makakarating? Edi sa bicol hindi sa cabanatuan, kaya titignan mo po yung sign board, ang isa sa pinakamagandang pagkakakilanlan sa tunay na samahan ng Dios, Unang una yung pangalan, pero hindi po natatapos sa pangalan kase meron iba ginagamit yung pangalan panloloko naman.
-
AWIT 139:20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
-
Minsan may gumagamit naman ng pangalan ng Dios sa walang kabuluhan, Kaya dapat hindi pangalan lang, Pero ang pangunahin po ang Pangalan susunod don yung mga Doktrinang sa loob, kase po kung halimbawa pangalan nga iglesia nga ng Dios e doktrina naman ng demonyo ang nasa loob katakot takot na lokohan e hindi sa Dios yon! kaya pangalan pag katapos yung aral !
-
JUAN 7:17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig na gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang TURO, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili:
-
San po makikilala? hindi po sa kapilya, hindi sa dami ng myembro, ANG TURO! KUNG ITO'Y SA DIOS O AKO'Y NAG SASALITA NG MULA SA AKING SARILI sabi ng Biblia, malalaman mo naman kung sa Dios, babasahin, kung wala sa Biblia hindi sa Dios yon. Meron nga nagtuturo kagaya ni quiboloy galing lang sa bunganga nya, bunganga lang yon pabasa mo sa Biblia wala, biro mo pinalitan na daw ang anak sya na daw ang bagong anak at ang bagong jerusalem daw ang DAVAO, biro mo katarantaduhan non. bagong jerusalem daw davao, Basahin natin sa Apocalipsis 21:1-2
-
APOCALIPSIS 21:1 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
-
APOCALIPSIS 21:2 At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
-
San daw ho manggagaling yung bagong jerusalem? MANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS! abay kadali dali ni quiboloy ang bagong jerusalem daw ay davao! yung bagong jerusalem sa Biblia mananaog yon mula sa langit buhat sa Dios, eto naman davao hindi naman mananaog, andito na nga e, yung nakita ni sanjuan na bagong Jerusalem mananaog buhat sa Dios, ito naman si quiboloy ang davao city daw ang bagong jerusalem, tignan nyo kalokohan ng turo ni quiboloy na yan! ang new jerusalem pala sa kanya e simento at kahoy, kaya madali naman makita kung niloloko ka ng pastor o hindi, BASAHIN SA BIBLIA Juan 7:17
-
JUAN 7:17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig na gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang TURO, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili:
-
MAKIKILALA SA TURO! YUNG ARAL ANG BATAYAN! HINAHANGO BA SA BIBLIA O NAG SASALITA NG MULA SA SARILI . YAN PO ANG UNANG UNA SA LAHAT. YUNG ARAL KAYLANGAN NASA BIBLIA PO YUNG TURO, ganon po yan kapatid.

13/06/2024

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gerry adventure posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Travel Agency?

Share