03/08/2015
I decided not to just document our climb but write a love story which hopefully will land to the publisher's hand. Chapter V to. Leave comment and suggestion pag napublish paakyat ako ng libre. hehehe
CHAPTER V
Napansin kaagad ni Trinity ang hindi mawaring itsura ng matalik na kaibigan ng pumasok ito, parang wala sa sarili pero nakangiti. Pagkaupo ng ay kinuha ang bag saka niyakap.
“At anong klaseng peg naman ito, aber?” pag-uusisa sa kaibigan.
“Huwag mong basagin ang moment ko, please. I-cover mo lang ako para walang makapansin na sobrang saya ko.”
Lalo namang naintriga ang kaharap kaya tumalima na rin at nagkunyaring kinakausap si Sy habang nag-aantay na magkuwento ito.
“So, ano na? Habang buhay mo na lang bang itatago ang magandang balita? Sabi nga ni Sir, “Let the positive vibes of a good news heal an ailing soul,”pamimilit ni Trinity.
“Puede bang after three days ko na lang ikukuwento sa iyo ang lahat?”
“At may pa-suspense effect ka pa? Baka naman after three days ako na lang hindi nakakaalam niyang chicka na iyan”
“Promise, ikaw ang una kong babalitaan. Ayoko magkuwento, baka mausog,”paniniguro niya niya sa kaibigan.
Alas-sais na ng hapon ng makauwi siya sa bahay sa may Camarin, sampung minutong lakad mula sa unibersidad na pinapasukan. Pakiramdam niya pagod ang katawan niya at utak sa kakaisip sa nangyari. Pinalala pa ng katotohanang hindi niya mailabas ang tuwa sa iba. Nag-aalangan din kasi siya na baka pagtawanan siya ng mga kaklase kapag nalaman ang nangyari. Dalawang oras na siyang tulirong naghihintay na magtext si James dahil nangako itong magtitext kaagad para makuha niya number nito. Habang nakahiga sa k**a, napagtanto ang bilis ng nangyari at epekto ng ginawang pag-oo halos apat na oras pa lang ang nakalipas. Ni hindi pa niya kayang banggitin ang pangalan ng“instant boyfriend” dahil nasanay siyang tinatawag itong “sir”.
Sa edad na labingwalo, hindi pa siya nagkakaboyfriend. Hindi hamak na maganda at may hugis ng katawan na makakaakit sa sinumang lalaki. Marami na ring nanligaw sa kanya nganit mas pinili niyang huwag seryosohin ang mga ito. Tapos, heto siya ngayon, wala pang halos bente minutos, napa-oo siya at napasok sa isang relasyon na ni hindi niya makita kung may kahihinatnan.
Naputol ang pag-iisip niya ng tumunog ang cellphone niya na kanina ay itinago niya sa may ulunan kasabay ang dalangin na maalala siya ng binata. Nanlamig ang mga palad niya at hindi alam kung dadamputin ang telepono. Naiinis siya sa sarili niya dahil kanina lang ay halos mabaliw siya sa kakaantay at ng dumating natatatakot naman siyang sagutin.
Bago ang numerong tumatawag.
“Sino po sila,”sabi niya na pilit itinatago ang paggaralgal ng boses.
“I am inviting you to a dinner,” sabi ng nasa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang timbre ng boses. “Let’s say dadaanan kita sa tapat ng police station around seven.”
“Saan naman po tayo kakain. Kailangan ko kasi magpaalam,”marahan niyang sagot.
“Parang malungkot ka? Binabawi mo na ba “oo” mo?
Bigla siyang nataranta sa narinig. “Hindi naman. Napagod lang isip ko sa kakaisip kung ano itong meron ako as of the moment at kung deserving ba ako sa sayang nararamdaman ko ngayon,”pag-aamin niya.
“I’m glad I made you happy, binibini.”
Hindi niya alam ang isasagot sa sinabi ni James.
“Puede bang huwag na lang tayong kumain?”nasabi niya matapos ang ilang saglit na katahimikan.
“Baket naman?”halata ni Sy na nagbago bigla ang tono ng boses nito.
“Paload mo na lang ng marami para makausap kita ng matagal. Parang hindi pa rin ako sanay na harapin kang ganito tayo.”
“So be it. Nakauwi ka na ba?”
Kahit sa telepono, ramdam ni Sy ang senseridad ng pag-aalala ng kausap.
“Mga six siguro. Umuwi ako kaagad pagkatapos ng huling subject, napagod po ako sa kakaisip sa inyo at kakaantay ng text ninyo.”sagot niya.
“After we ate, dumiretso ako sa Tandang Sora for my 4:30 class. Kakatapos ko lang when I phoned you.”
Gumaan ang loob ni Sy ng marinig ang paliwanag.
“Sir?”
“Yes, binibini,”
“I want you to know na ngayon pa lang, that I am grateful for the bliss I am feeling right now. It might be uncertain until when kung ano mang meron tayo at meron ako, but in the future, looking back to this, I am certain I’ll still be happy I made my “yes” this afternoon.”
Nararamdaman niyang tumulo ang luha niya matapos niyang sabihin iyon. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang magtago ng nararamdaman niya ngayon. Marahil kung nasa tabi niya lang ang kausap ay niyakap na niya ito ng mahigpit at kung maaari ay hindi na bibitawan pa.
“Then, we should not deny ourselves of the thought that in that future we will look back together, both happy of that “yes” you made this afternoon.”
“May pag-asang bang ganun sa future, sir,”tanong niya habang pinapahid ang mga luha na ayaw paawat sa pagpatak.
“Future presents limitless possibility. And the chance of you and me, lying on a beach many years from now, older and hopefully wiser, watching the sun set, is one joyful possibility, Binibini”
“I like the sound of it. James. I like the thought of it. At sana may guiding star na lalabas to guide me to find you there.”Sa kauna-unahang pagkakataon nabanggit niya ang pangalan ng lalaking ngayon ay labis-labis na nagpapasaya alam niyang labis-labis niyang minamahal.