15/06/2022
TRAVEL TIPS:
How to avail promo fares sa mga airlines?
1. Plan your travel to save much on your travel expenses like airfares and be able to book the destination island na matagal mo nang dream puntahan.
2. Don't book your plane ticket kung kelan malapit ka na lumipad or malapit sa travel date - unless emergency - dahil segurado mahal ang pamasahe.
3. Buy your tickets habang malayo pa ang date ng travel para mas makamura ka dahil ang lowest promo fares ay available at least 5-10 months bago ang petsa ng pagsakay. Kung naghahanap ka ng promo pero bukas ka na mag fly, gumising ka kasi nanaginip ka. Walang ganun mars.
4. Kapag may promo ang airline, bumili na agad ng ticket kung sure ka sa travel mo. Di ba sinabi nang plan your travel? Kasi nauubos ang promo seats, hindi unlimited tulad ng Globe at Smart unlicall. 😊
5. Ang mga promos ay laging malayo sa actual travel date. Tapos magugulat ka ang mahal dahil bukas na ang sakay mo? Ganun talaga mars.
6. Maging Wais, planuhin ang lakwatsa, mag-avail ng promo ticket kahit 10 buwan pa bago ang biyahe. Total ang ticket hindi naman yan parang ulam na pwedeng mapanis.
7. Laging tandaan: hindi lahat ng seats sa eroplano ay naka-promo. Those who buy early are rewarded with Piso Fares and those who buy late are penalized with high price to subsidize your Piso fare. Kaya kung Wais ka, sayo pa rin Ang Huling Halakhak! 😂 😁
8. May cash ka ba? Syempre, bago tumingin ng promos ihanda ang cash dahil kung hindi maglalaway ka lang. Hindi nauutang plane ticket - unless i-credit card mo. Walang credit sa GCash, Express Send lang 😊
9. Last but not the least, don't forget nagbo-book din kami dito ng plane ticket - domestic and international. Ito seryoso na 'to walang halong biro. Maniwala ka, magtiwala ka!