20/06/2018
Attention:
sa mga nagbabalak mag bakasyon sa Taiwan, free visa pa po sa Taiwan ngaun, ito ang mga kailangan nyo bago kayo pumunta doon
*passport at leasts more than 6 months bago mag expire
*hotel accommodation
*roundtrip plane ticket
*pera (NT$)
(Optional)(meron o wala - no problem)
*NBI clearance**
*invitation letter**
magpa booked na kayo ng hotel nyo bago kayo aalis ng Pinas, ipa print nyo ang hotel accommodation nyo, hahanapan kc kayo nyan sa immigration, hindi pwedi ang calling card lang ng hotel, dapat naka detalye sa accommodation ang name at address nung hotel, at ilang araw kayo doon sa hotel na yun,
ang invitation letter kukunin ng mga kakilala nyo like bf or gf sa MECO Taiwan sa Taipei or Taichung, punta lang sila doon sa MECO, hingi sila ng invitation letter, fill up.an nila then e send sa inyo then i print nyo sa Pinas para maipakita nyo sa mga officer ng immigration sa airport pag hanapan kayo nun,
**
optional lang naman ang invitation letter at NBI kaso may mga officer na malulupit jan sa airport, hahanapan nila kayo, pero ung ibang officer, hindi naman naghahanap, kuha na lang kayo para di naman maantala ang pagbabakasyon nyo sa Taiwan ,
ang nbi optional yan
may mga officer na naghahanap nyan, inaalam lang nila kung sadya bang wala kang criminal record bago ka aalis ng Pinas pa Taiwan,
Kung may NBI ka dalhin mo n lang, kaperasong papel lang yan, kung wala ok lng,
may mga simcards na inaalok sa Taoyuan airport para sa mga foreigners, kuha kayo nun kasi kailangan nyo un
bili na din kayo ng Easy Card sa 7.11 at lagyan nyo na din ng laman o load, kahit 500 nt ok na yun, kailangan nyo yun doon,
tip: sa immigration, relax lang kayo pag tinatanong kayo ng officer, wag kabahan, stand straight at sumagot pag tinatanong, pag duda sila sa inyo lalo kayong gigipitin, kaya relax lang,
itago ang mga tickets nyo pag nasa Taiwan na kayo, kailangan nyo yan pabalik ng Pinas,
hindi madali mag tour sa Taiwan unless may kasama kayo na sanay na sa mga lugar doon, pag gagala kayo ayusin nyo ang iterenary nyo bago kayo gagala, kung hindi nyo kabisado ang lugar na pupuntahan nyo, tawag na ng taxi, mahirap kaya ang maligaw,
kung madami kayo, mag rent kayo ng car, mas maganda mag rent ng car pag madami kayo kesa mag commute kayo, may mga pasyalan n magkakalayo, kaya maganda mag rent ng taxi o car, mas mapapa mahal pa kc ang gastos nyo pag mag commute commute kayo, aksaya pa sa oras mag antay ng bus o trains, maligaw ligaw pa kayo, trust me i know,
wag magkalat sa Taiwan ng basura ha, iuwi sa hotel o itapon sa mga basurahan ang mga kalat, wag itapon kung saan saan,
wag magdala ng dollar o peso kung saan saan sa Taiwan, DEADMA ng mga tao yan doon, NT dapat ang perang ipambayad nyo sa mga bibilhin nyo at sa mga pambayad sa pamasahe, bago kayo lalabas ng Taoyuan Airport dapat napalitan na ang dollar o peso nyo into NT, may mga money changer at bangko jan sa Taoyuan Airport, open sila 24 hours, mas mataas ang palitan ng peso sa Pinas pa lng kesa doon kayo sa Taoyuan Airport magpapapalit, mura peso nyo doon,
enjoy and please share nyo ito s mga kakilala nyo n gustong mag gagala s Taiwan,
Share nyo din page natin sa mga kakilala nyo, madami pasyalan naka post jan sa page, hanap lang sila, ito page natin
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10215880455064906&id=1251862166