21/07/2024
USAPANG ALLOWANCE! PARA SA MGA AHENTENG NAGHAHABOL SA ALLOWANCE PERO NAG REREKLAMO KUNG MARAMING MANNING.
👉 ALLOWANCE / MOBILIZATION FUND - is for Marketing!
👉 COMMISSION AND INCENTIVES - is for personal!
Kung pumasok ka sa Real Estate Industry, dapat naintindihan mo kung ano ang role, responsibilidad, at ang makukuha mo dito.
Dapat naintindihan mo na hindi ito isang regular/corporate job na papasok ka lang at sasahuran ka.
Isa itong malaking negosyo, negosyo mo! hindi trabaho!
Binibigyan ka ng Allowance para may pang simula ka. May magagamit ka papuntang Office, Mall Manning, Site Manning, or pang boosting o ibang pangangailangan na related sa Negosyo mo. Para maka kuha ka ng client at possible kumita ka ng Malaki.
Normal na hihingan ka ng report sa Company/Division Head/ Manager or Upline mo, dahil expenses sa Company yan.
🔥 15K allowance mag rereklamo ka pa araw araw Manning?
😁 Magreklamo ka kung walang Manning!
Kami nga nag aagawan sa manning ng ibang Team, kung hindi sila available.
✓ Dahil bawat manning may opportunidad ka na makakuha ng Clients.
✓ Bawat punta ng Office may bago kang natutunan, huwag lang basta ka pupunta ng office na pagka tapos ng meeting, uupo kalang at mag aantay na uwian na, makipag halubilo ka sa mga Top Seller, mag tanong ka sa kanila kung ano ginagawa nila, maki pag kaibigan ka.
✓ Bawat Online Boosting, may mga possible buyer na makakakita sa benebenta mo.
✓ Kaya may Saturation/Prospecting, and Roadshow pa, para maka habap ng clients dahil kulang ang manning. Tapos ikaw nag rereklamo dahil walang manning?
✓ Sa ngayon hindi kana maka hanap ng Developer na araw araw Manning, dahil sa daming mga Ahente na at malaking cost involve din. Kaya pasalamat ka kung may manning
✓ Kami nga dati nag aambag pa buong Team para maka kuha ng at least 1 week na exhibits sa Mall.
🔰 Di mo ba naisip na gumastos si Company ng malaking Rental Expenses sa mga Booth sa Mall or kung saan man para mabigyan ang mga seller na makahanap ng clients.
✓ At hindi lang yan basta naglagay lang ng mga booth sa isang lugar ang Company, pinag aralan at may data yang tinitingnan bago mag lagay jan. Kung may traffic at client bang nakukuha.
🔥 Reklamo ka Malayo ang Manning?
✓ Dapat di ka na tumuloy sa umpisa palang.
✓ Dapat alam mo yung project na ebebenta mo
✓ Dapat naghanap ka ng Developer na ang project malapit sayo at dun lang Focus mo.
Baka mahiya ang Developer sayo na binigyan kana ng allowance, mapagod kapa.😁
✓ May malayo talaga na Manning, dahil hindi naman lahat ng client nakukuha jan sa location near the project.
🔥 Reklamo ka dahil di sapat ang Allowance sa gastusin sa bahay? May mga anak pinapakain? At ibang gastusin?
✓ Again ang Allowance for Marketing, gamitin mo para maka hanap ka buyer. Gawin mong inspirasyon ang kakulangan ng pang araw araw mo para magpursige pa na maka kita ng Buyer.
✓ Maghanap ka ng ibang pagkakakitaan, na hindi mag ka conflict of interest sa pagiging Agent mo. Para may pantustus sa araw araw na gastusin.
🔥 Reklamo ka dahil hinihingan ka ng report ng Manager o Upline mo, o pina pa report ka sa office.!
✓ Dahil hindi araw araw motivated ka! Kailangan mo ng mag momotivate sayo, at nasa office ang mga taong makakatulong sayo.
✓ Dahil alam ni Manager mo na, wala kang ginagawa o kung merun man hindi ito productive. Nakakatulong ang report para mabigyan ka ng payo at ideas or kung ano kailangan mong baguhin o gawin.
✓ Walang clients sa Bahay nyo, o sa kapit bahay nyo, kaya need mo lumabas.
✓ Nakaka tulong ang pag report o pag punta office, para ma inspired ka.
🔥 Reklamo ka hinahanapan ka Proof ng Online Boosting? (International Seller)
✓ Malamang wala ka na ngang manning nasa bahay lang, hindi ka pa nag boost, sino benibentahan mo?😂
✓ Hindi na baguhan ang mga Upline / Manager mo, alam na nila na kung gawa gawa lang yung report mo.😁 Need mo mag boosting para ma Tap yung mga client na d mo kilala.
✓ Hindi ka tinanggap para bigyan lang ng malaking allowance, para tumambay lang sa inyo. Bibigyan allowance 20K, tapos budget for boosting 1K-2K isang buwan, tapos maka report sa leads dami dami? sinama mo ba ang Likes?😂
🔥 Reklamo ka wala kang Benta?
✓ Tanungin mo sarili mo!
✓ Evaluate mo kung ano ginagawa mo!
✓ Kung tama ba ginagawa mo!
✓ Magtanong ka sa may mga benta!
✓ Magtanong ka sa Manager mo!
😊 Kung hindi ka sang-ayon sa mga nabasa mo sa taas! HINDI para sayo ang Real Estate!
Maghanap ka ng Trabaho na kailangan mo lang mag trabaho 8hrs a day at may fixed income ka! na sapat sa lahat ng gastusin mo pang araw-araw!! Dahil mangyayari sayo Talon ka lang ng Talon sa mga Developer every end sa allowance mo!!
REAL ESTATE OPPORTUNITY IS FOR EVERYONE, BUT NOT EVERYONE IS FOR REAL ESTATE INDUSTRY (REAL ESTATE AGENT)!
MALAKI ANG PWEDE KITAIN OOH! KAYA KUMITA NG 1 MILLION MAHIGIT ISANG TAON!
PERO ANG TANONG? WILLING KABA GAWIN, WHAT EVER IT TAKES PARA KITAIN YUNG PINAPANGARAP MO NA KITA?
😁 BUMENTA KA! DAHIL YUNG COMMISSION AT INCENTIVES NA MATATANGGAP MO YUN ANG KITA SA NEGOSYO MO, AT WALANG MAY MAKIKI ALAM KUNG PAANO MO GASTUSIN.!
E SCATTER MO PA PARA DUMAMI NASA SAYO YUN😂