11/07/2019
Isyu sa Pagtatalik
Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong
Ang pagtatalik ay isang normal na aktibidad ng mag-asawa. Kailangan ay responsable at malusog ang bawat isa.
Mga katanungan na minsan ay nahihiyang itanong sa doktor:
1. Pwede ba magtalik kapag buntis? Pwede at hindi maapektuhan ang sanggol maliban na lamang kung mayroong pagdurugo, spotting o threatened miscarriage o makukunan. Pagka-panganak, maghintay ng 6 na linggo bago magtalik.
2. Pwede pa ba magtalik ang may edad?
Wala pong rason kung bakit hindi pwede. Maraming mag-asawa ay aktibo pa rin hanggang edad 80 basta walang sakit. Mahirap lamang kung mayroong mga medikal na dahilan tulad ng pagpalya ng puso, hingalin, may rayuma at may diabetes.
3. Problema sa pagbuntis sa babae at pagtigas sa kalalakihan.
Sa mga kalalakihan, magpatingin sa Urologist dahil may mga gamot na pwede inumin at procedure kung kinakailangan. Sa kababaihan, pumunta sa isang OB-Gyne para turuan ng mga techniques para mabuntis.
4. Sa mga teenagers na may tanong kung babae o lalaki sila, pwede magpatulong sa isang psychologist, pediatrician, endocrinologist o geneticist sa UP-PGH dahil mayroong medikal na dahilan sa isyu ng gender identity o kasarian.
5. Kapag may edad o nawalan ng gana - Ang pagkawala ng gana sa pagtatalik ay dahil sa depresyon, bukol sa pituitary gland na nasa utak, sakit sa utak, o sakit sa testicles at prostate gland sa mga lalaki. Sa babae, ang posibleng dahilan ng pagkawala ng gana ay may bukol sa obaryo, menopause o nagpapasuso.
6. Kapag maliit ang organ ng lalaki ay hindi na makakabuntis?
Walang kaugnayan ang laki ng organ sa kakayahan makabuntis.
7. Priapism o ayaw mag-relax ang ari pagkatalik. Bihira ito mangyari ngunit kailangan dalhin agad sa emergency room sa loob ng 4 na oras.
8. Pe******ia o pang-aabuso ng matanda sa bata. Ang posibleng dahilan ay naabuso rin noong bata pa ang salarin. Ito ay isang krimen. Ang medikal na gamutan ay boluntaryong pagpapagamot sa psychiatrist at psychologist.
9. Sa**sm o Sadista - Ito ay nagsisimula habang teenager o edad 20s. Ganoon din, pumunta ng boluntaryo sa psychiatrist at psychologists.
Sa mga problema sa pagtatalik, kailangan harapin at alamin ang problema para magamot ng tama. Isama ang partner sa pagpapagamot.