03/05/2021
ONLINE SELLER ETIQUETTE ‼️
1. NEVER ASK sinong "supplier" mo, kung saan siya kumukuha o kanino siya bumibili. Pinaghirapan nya yun hanapin kaya paghirapan mo din. Wag magagalit. 😉
2. Wag itanong kung magkano ang tubo ni seller sa item na binebenta nya o kung magkano nya nakukuha ang item. Respeto lang din, sahod nga diba pilit sinesekreto ng iba? ganun din sa online na pagbebenta.
3. Kung mataas ang presyo ng ibang seller hayaan mo sila, huwag ka magkumpara at magpabida porke't mababa yung presyo mo. Malay mo supplier - reseller - reseller na yun kaya ganun ang mark up, tulad mo baka gusto lang din naman nila kumita pasalamat ka kung nakadirect ka.
4. Kung friend mo ay online seller din at may pareho kayong paninda kung may magcomment sa kanya ng "HM" huwag mong i-pm ng palihim that's PANUNULOT my dear. Apply the GOLDEN RULE, wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin din sayo.
5. Wag kang manira ng paninda ng iba. Yung mga comment na "ay di yun epektib, ay fake, ay di yun maganda" kahit na okay naman yung tinda nila. Hindi ka aangat sa ganyang paraan may karma yan, Hindi sagot ang paninira sa kapwa online seller para makabenta ka.
6. Mag add ng prospect buyer is okay, pero i-add yung buyer ng friend mo is not okay hayaan mong ikaw ang i-add kung talagang maganda ang product mo, Swerte mo na din kung irefer nung friend mo yung buyer sayo.
7. Minsan BUYER din tayo kaya umorder ng naaayon sa ANDA (PERA), Di yung kapag may sale mine ka ng mine sabay kapag invoice na nawawala ka. Ikaw mismo ayaw mo ng JOY reserver dahil online seller ka kaya wag ka din maging JOY RESERVER SA IBA! 😤
9. Never tell your secret recipe, Sa paningin ng iba nagdadamot ka (minsan kaibigan mo pa) pero dun ka kumikita. Ok lang maging mabait at magbigay ng tips pero isipin mo din ang future mo bago ang future ng iba. 💓
10. Maging magalang, habaan ang pasensya at wag magpadala sa emosyon. Walang trabahong madali lahat pinaghihirapan. Maging THANKFUL sa mga taong nakakatulong sa pag unlad ng negosyo mo. At higit sa lahat wag DEMANDING sa mga ganitong klaseng grupo na kusang loob na tinanggap kayo. ☺️
PS: Respetuhin natin ang bawat isa ng sa ganun maraming blessings ang darating satin. Huwag tayong makipag kompetensya sa kapwa natin seller/supplier. May kanya kanya tayong buyer. Napakalaki ng online marketing, huwag din tayong maging bitter kung hindi saten bibili.
RESPETO SA KAPWA.. KUNG GUSTO MONG TUMAGAL SA INDUSTRIYA NG SELLING WAG MONG PASUKIN ANG BAKOD NG MAY BAKOD. 💯