15/06/2024
๐ KASAYSAYAN AT LAYUNIN NG EID UL-ADHA
Ang kasaysayan ng Eid ul-Adha ay bumabalik pa sa panahon ni Propeta Abraham, isang pangunahing pigura sa Hudaismo, Kristiyanidad, at Islam. Ang Eid ul-Adha ay nagpapaalaala sa dakilang pangyayari nang utusan ng Allah si Abraham sa isang panaginip na isakripisyo ang kanyang anak bilang isang gawang pagsunod.
"At, nang siya [ang kanyang anak] ay sapat na ang gulang upang lumakad kasama niya, sinabi niya, 'O anak ko! Nakita ko sa isang panaginip na inaalay kita, kaya ano ang masasabi mo! 'Sabi niya,' O aking ama! Gawin mo kung ano ang iniutos sa iyo, kung nais ng Allah, masusumpungan mo akong matiisin. '" ๐(Qur-an 37:102)
Nang isasasakripisyo na ni Abraham ang kanyang anak, ang Allah ay nagpahayag sa kanya na ang kanyang "sakripisyo" ay natupad na. Ipinakita niya na ang kanyang pagmamahal para sa kanyang Panginoon ay hinalinhan ang lahat ng iba pang uri ng pagmamahal, na siya ay gagawa ng anumang sakripisyo upang sumuko sa Allah. Isang bersyon ng kasaysayan ay lumitaw din sa Lumang Tipan ng Bibliya.
Ang ilang mga tao ay nalilito kung bakit inutusan ng Allah si Abraham na katayin ang kanyang sariling anak. Ang kilalang klasikal na Islamikong iskolar, na si Ibn al-Qayyim ay ipinaliwanag, "ang layunin ay hindi para katayin ni Abraham ang kanyang anak; sa halip ito ay upang isakripisyo siya na sa kanyang puso ang lahat ng pag-ibig ay pagmamay-ari ng Allah lamang.
Kaya, ito ay isang bahagi ng ating tradisyon na sa panahon ng pinagpalang Sampung Araw ng Dhul-Hijjah at sa araw ng Eid ul-Adha ay ginugunita natin ang sakripisyo ni Abraham. Sinasalamin natin kung ano ang nagdala sa kanya bilang isang malakas na mananampalataya at isa sa kamahal-mahal sa Allah, siyang pinagpala ng Allah at ginawang pinuno ng lahat ng mga bansa upang sundin.