
14/01/2025
𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢
Mag-ingat sa mga post sa social media na nag-aalok ng agaran at libreng pag-alis bilang call center agent sa ibang bansa.
Karaniwang ipinapadala ang mga biktima sa Thailand, Singapore, o Vietnam bilang on-the-spot tourists at saka dinadala sa Cambodia, Myanmar, o Laos para magtrabaho bilang SCAMMER.
Pinapayuhan ng DMW ang publiko na mag-verify ng mga job offers at maging mapanuri upang maiwasan ang pagiging biktima ng mga illegal recruiter. Agad na i-report ang mga ganitong kaso sa [email protected] o sa DMW page na DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program.