30/10/2022
HUWAG MAGPANGGAP NA MAYAMAN KUNDI KAYA NG BULSA
by: Chinkee Tan
Paano natin ito magagawa?
LEARN TO WALK AWAY
Always and I mean ALWAYS ask yourself:
“May pera ba ako para dito?”
“Kakapusin ba ako pag binili ko ito?”
“Kapag siningil ako ngayon, may mailalabas ba ako?”
Kung negative ang sagot,
bitawan na ‘yan mga Ka-Chink!
Lason ‘yan sa ating wallet.
Umalis sa kinalalagyan o
pigilan ang sarili sa online shopping.
Huwag natin ipilit ang wala.
BE A BUDGETARIAN
Budgetarian?
‘Yan ba yung gulay lang ang kinakain?
Vegetarian yu’n!
Kung ang vegetarian ay gulay lang ang kinakain,
ang budgetarian naman,
disiplina lang ang kinakain at
dumadaloy sa sistema sa bawat perang inilalabas.
Up to the last centavo inililista!
Tubig, kuryente, ilaw - given na yu’n.
Pero ultimo pamasahe na P8.00
Chichirya na P5.00
Candy na P1.00
Walang pinalalagpas.
Sa ganitong paraan, mas nagiging
responsable sila sa pag-manage ng kanilang pera.
Nalalaman kung saan napupunta
kung tama ba ang pinag gamitan o ‘di kaya’y
may kailangan bang alisin o bawasan.
order this book and get a FREE PISO PLANNER: https://chinkshop.com/collections/promos-and-bundles/products/best-selling-book-bundle