23/08/2024
Isa pang “must-try” activity sa ating Hundred Islands National Park ay ang caving exploration. Perfect ito sa mga nature-lovers, adventure-seekers at mga nagnanais na masilayan ang kakaibang ganda ng kalikasan.
Nasa mahigit sampung island caves, tunnels at underwater caves ang maaring pasyalan kasama ang ating mga experienced tour guides at inyong mga kaibigan.
Kaya’t sa inyong muling pagbisita sa Hundred Islands, huwag kaligtaang tuklasin ang mga nakatagong ganda ng ating island caves tulad ng iba’t ibang rock formations, corals, mayamang “flora and fauna” at malinis na katubigan.