10/09/2024
PLEASE BE ADVISED......
Inanusyo ni New NAIA Infra Corp. general manager Angelito Alvarez noong Lunes, September 9, ang planong bagong terminal assignment sa Ninoy Aquino International Airport .
UPDATE: Aabutin pa ng tatlong taon bago maipatupad ang planong pag-reassign sa terminals sa paliparan.
Apektado nito ang local carriers na Philippine Airlines at Cebu Pacific, pati na rin ang Air Asia. Pero ayon kay Alvarez, wala pang eksaktong petsa kung kailan ito maipapatupad.
Ilang beses nang sinabi ng mga opisyal ng NAIA na dapat na ma-decongest ang paliparan. | Gerard dela Nina Peña